62.

26 4 0
                                    

Angela's POV

MARAHANG binuksan ko ang opisina ng prime minister, ang nakatataas sa aming lahat. Nadatnan ko naman ang ilan kong kasamahan na nakatayo doon.

"I'm sorry I'm late," yumuko ako.

"No worries Angela," he answered while waiving his hand. "Ngayong narito na ang lahat, maaari ko nang simulan ang meeting na ito."

Tumayo ako sa hilera ng mga naroon. Lahat ng ipinatawag nya ay pawang mga head of units ng Ministry of Defense.

I then saw our leader turned on the big screen in front of us. Nakapalabas doon ang mapa ng South Alegria. Ang nakakapagtaka ay may mga pulang marka ang ilan sa mga bayan doon.

"I just received an order from the Light Vatican," he said. "We need to dispatch our people to these towns..."

The screen then focused on the towns that has red marks.

"We all know that the Black Vatican withdrew from attacking North Alegria, leaving dozens of casualties."

Nanatiling tahimik ang lahat.

"And now, we just received a report from one of our people that they caught something suspicious in these places."

Itinutok ko ang mga mata ko sa malaking screen.

"Nangunguna sa listahan ang Muhan," pagpapatuloy nya. "Dito unang naitala ang pagkilos ng konseho. Maraming gifted ang nawala dito at hinihinala ng vatican na lahat sila ay umanib sa konseho."

"Ano naman ang ibang marka?" tanong ng isa sa mga naroon.

"This..." the map zoomed in to a specific town. "This is the town of Pleron. Nagsisimula na din mawala ang ilang gifted at mortales doon. Madaming bahay ang naiwang walang laman. Nagmistula nang ghost town ang bayang iyon."

Napatuwid naman ako sa pagkakatayo ko. Hindi maganda ito. Di yata't naghahakot na naman ng pwersa ang konsehong iyon!

"The next towns on the list are Oreville, Greenwood, Aneville and Icamont. Ito ang mga bayan na may matataas din record nang mga nawawalang sibilyan."

"Sigurado akong ang konsehong iyon na naman ang nasa likod ng pagkawala ng mga gifted at mortale sa mga bayang iyan!"

"Pero madami pang may marka ng pula!" hindi ko na din mapigilang magsalita.

"Tama ka dyan Angela, madami pang bayan ang nagsisimula na din maiulat na may kaparehong pangyayari."

"Nakakapagtaka," napapaisip kong saad. "Malalayo ang agwat ng mga bayang may marka. Ito ba ang bagong plano ng mga kalaban?"

"I can say you're right with that."

"Kung ganoon," singit ng katabi ko. "Malaki ang posibilidad na nililito nila ang mga nasa vatican kung saan sila susunod na aatake."

"At malakas ang kutob ko na isusunod na nila ang South Alegria," dugtong ko.

Tumayo naman ang leader namin at naglakad sa harapan natin.

"The leader of the Black Council is surely knowledgeable when it comes to tactics. It's like he's just playing on us. Matapos nyang atakihin ang norte, nagpadala ng mga tauhan ang South Alegria para tumulong doon."

"And that leaves us with a short count of teams to protect our own land..." pagtatapos ko.

"Madami na din sugatan sa mga tauhan ng vatican at ministry. Hindi ko din ililihim sa inyo ang ilandaang bilang nang mga namatay sa pakikipaglaban. Sa madaling salita, planado ng konsehong iyon ang mga naging atake nila."

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon