BAGSAK ang balikat na nilisan ko ang dormitoryo ng mga mortale. Sinubukan kong dalawin si Zion ngunit hindi ko sya natagpuan. Ayon sa roommate nya, ilang araw na mula nang umalis sa academy si Zion. Wala itong sinabi kung saan ang tungo.
"Siguro nag-drop na sya," saad ng roommate ni Zion. "Bitbit nya kasi ang maleta nya paalis eh."
Tinanaw ko na lang ang naturang gusali. Hindi na ako magtataka kung nag-quit sya sa Superno. Sa tindi ng dinanas nya sa kamay nina Erickson, inaasahan ko na din ang pag-alis nya.
But he didn't even bother to say goodbye. Sana man lang ay sinabi nya sa akin na aalis na sya ng academy.
Napabuga na lang ako ng hangin saka nagpatuloy sa paglalakad. Wala din akong narinig na balita na naparusahan sina Erickson. Mukhang hindi nag-file ng report si Zion sa ginawa sa kanya ng grupong iyon.
Naikuyom ko ang aking kamao. Hindi ko maiwasang sisihin muli ang royale at ang wala nilang kwentang pamumuno. Hindi nila napapagtuunan ng pansin ang mga gulo sa parte ng mga mortale
If I can just do something.
Isang kaluskos naman ang nagpatigil sa akin. Nasa mapunong parte ako ng campus kung saan bihira ang napapadaan. I just discovered this route dahil mas mabilis ang daan dito.
Nilingon ko naman ang paligid. Wala akong maramdaman. All I can hear is the rustling of the leaves. Bahagya din lumakas ang ihip ng hangin.
Nagkibit balikat na lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Mabuti na lang at hindi ko nakita sa mortale dorm si Hywell," naiiling kong bulong. "Kung nagkataon—ugh!"
Napaluhod agad ako sa lupa. Kasabay ng pagkalat ng kirot mula sa aking tuhod. Nanlalaki ang mga matang sinulyapan ko iyon. I saw a blood pooling on my pants. May nakabaon din doon na dart.
Marahas na lumingon ako sa likuran ko. I saw five men coming out of the bushes.
"Anong problema nyo!" galit kong sigaw. Pinilit ko din tumayo. Fuck, this is the first time I didn't see anything coming!
Wala naman akong nakuhang sagot sa kanila. Pamilyar ang mga mukha nila sa akin. Isa sila sa mga grupo na madalas mam-bully sa akin last year.
"Ano na naman ito?!" sigaw ko ulit. "Hindi pa ba kayo nagsasawa!"
Ngunit kagaya kanina, hindi pa din sila sumagot. Natigilan ako. Their faces were all blank. Para silang robot na nakatayo lang doon.
I use my left eye to scan them. They are gifted but for unknown reason, I did not detect their aura earlier. Lihim na inihanda ko naman ang aking sarili.
Walang napapadaan sa parteng ito at siguradong walang makakakita sa akin sa oras na gawan nila ako ng masama.
Napangiwi naman ako ng kumirot ulit ang tuhod ko. Nakakapagtaka, bahagya pang nanginginig ang tuhod ko kung saan tumama ang dart kanina. Hindi dapat ako makaramdam ng kahit ano dahil normal na sugat lang iyon at hindi naman malalim ang pagkakabaon sa aking balat.
"Ugh!" muntik na naman akong mapaluhod. Tila nanlalambot ang isa kong tuhod. Hindi maganda ito. Malakas ang kutob ko na hindi ordinaryong dart iyon.
Napansin ko naman ang pagtitinginan nila. Bakit hindi pa sila umaatake?
My eyes widened when I suddenly feel something different on my knees. Nagsisimula naman mamanhid iyon.
Nanlisik ang mga mata ko. So now, they're playing dirty! Kung hindi ako nagkakamali, posibleng may nakalagay na gamot sa dart na iyon. Hindi talaga maganda ito!
![](https://img.wattpad.com/cover/258114131-288-k781724.jpg)
BINABASA MO ANG
Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)
FantasySuperno Academy: Shadow Prince SEASON 3 Started: April 2022 Ended: September 2022