36.

38 6 0
                                    

Luna's POV

NAPANGITI na lang ako nang masilayan ko ulit si Zed sa malayo. Kasama nya ulit ang kaibigan nya at panaka-naka ay hinaharang ng ilang grupo ng kababaihan. Hindi naman ako na-inform na sikat pala sya dito.

Napahawak ako sa aking dibdib nang mawala na sya sa paningin ko. I don't know why but my heart beats so fast whenever I see his handsome face. Palagi akong ninenerbyos dahil sa presensya nya. Isa iyon sa dahilan kung bakit hindi ko sya malapitan.

Bukod sa hindi ko alam kung natatandaan pa nya ako, hindi pa din ako makapagipon ng lakas ng loob para magpakilala sa kanya.

"Luna!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. I saw some of my classmates waiving at me. Ngumiti naman ako.

"Nakatanaw ka na naman," biro ni Suzaine nang makalapit sila.

Ramdam ko naman ang pamumula ng aking mukha. Paano kasi, ilang beses na nila akong nahuhili na nakatingin kay Zed. They even came with the idea that I like him.

"Magpakilala ka na kasi," siniko pa ako ni Rian. "Sige ka, baka maunahan ka ng ibang babae na patay na patay sa kanya!"

"S-saka na," wika ko na lang. "Hindi ko pa kaya."

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa library. It's our free time kaya nagdesisyon kaming mag-advance study.

"Member ako ng fan club nya," tila proud na sabi pa ni Kelsy.

"Fan club?" ulit ko. May fan club si Zed?

"Well, kilala lang naman sya dahil ilang beses syang tumulong sa mga nabu-bully dito kahit mortale sya. Ang sabi pa ng iba, napakagaling daw ni Zed sa combat."

"Oo nga!" tila kinikilig na wika naman ni Suzaine. "Saka narinig nyo ba iyong nangyari sa firearm training nila? Bukod tangi sya ang nakakaalam ng pinaka-complicated na baril!"

Pinanood ko na lang sila na kilig na kilig habang pinag-uusapan pa din si Zed.

"Para syang superhero! Hindi nya kailangan ng ability para maging astig!"

"Sana nga noon ko pa sya nakilala."

"Ako din!"

Humanga ako lalo kay Zed. Mabait talaga sya at matulungin. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit nagkaroon sya ng tagahanga. Bukod sa gwapo at mabait, mukhang marami din syang lihim na mas lalong nakakahatak ng atensyon ng mga narito.

"Oo nga pala Luna," baling sa akin ni Rian. "Sasali ka ba sa inter academy duel?"

Oo nga pala. Malapit na ang paligsahang iyon. Isa ang dati kong school sa mga lalahok sa naturang duel.

"Baka hindi na," nakangiti kong wika. "Marami ang deserving na makasali sa duel na iyon."

"But you're one of the powerful gifted here! Ilang beses na namin nakita ang mga abilities mo. Bakit hindi mo i-take ang test para malaman natin kung nararapat ka nga makasali sa duel?"

Ngumiti na lang ulit ako. Wala talaga sa plano kong sumali. Marami akong kaibigan sa dati kong paaralan at ayokong dumating sa punto na magkaharap kami sa isang duel.

"Pag-iisipan ko," saad ko na lang.
     
   
   
    
   
     
   
   
    
   
     
   
   
    
   
     
   
   
    
   
     
   
   
    
   
     
   
   
    
   
 
 

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon