30.

39 6 0
                                    

Zed's POV

NAKAKAKUNOT ang noong sinulyapan ko si Hywell na busy ngayon sa pagbabasa. Kanina pa kami dito pero hindi ba sya napapagod man lang?

"Hoy," kinatok ko pa ang mesa. "Hindi pa ba tayo babalik sa classroom? Baka sumobra na ang katalinuhan mo."

"Wag kang magulo."

Aish! Kinuha ko na lang ang cellphone ko saka tiningnan ang oras. Kaagad ko din naman iyong nabitawan nang makita ang oras. How?!

Naguguluhang sinulyapan ko si Hywell na wala pa din kamalay-malay sa nangyayari. Dinampot ko ulit ang cellphone at tiningnan maigi ang oras.

12:35 pm.

I tilted my head while thinking. Mali ba ang oras ng cellphone ko? The last time I checked, lampas ng twelve kami nakapunta ng cafeteria. At dahil madami pang babae ang nangulit sa amin, sigurado akong inabot iyon ng at least fifteen minutes.

Masyado yatang mabagal ang oras. Sa tantya ko, dapat ay malapit na mag-ala una ngayon.

"Aish!" pabagsak na ibinaba ni Hywell ang librong hawak. "Wala akong maintindihan, kainis!" ginulo pa nya ang buhok saka iniumpog pa ang ulo sa lamesa.

"Are you fucking kidding me?" hindi makapaniwalang bulalas ko. "Kanina ka pa nakatitig dyan sa libro, wala kang naintindihan!"

"Ang hirap kasi intindihin," itinulak nya palapit sa akin ang binabasang libro.

Then I realized he's reading a book with ancient letterings.

"Binabasa mo ito?"

"Oo, pinag-aaralan ko."

"Akala ko ba magri-research ka?!"

"Bakit, nag-research ka din ba?"

Sabay kaming napasulyap sa notebook sa tapat ko. Ni isang letra ay wala akong naisulat doon.

"Tsk!" umiling-iling pa sya. "Eh wala ka nga din nagawa!"

Kinagat ko na lang ang ibaba kong labi kaysa kung ano pa ang masabi ko. Kahit kailan talaga, ang sakit nya sa ulo!

"Ah," luminga pa sya sa paligid. "Balik na tayo sa classroom."

Isa pa iyon! "May natitira pa tayong twenty five minutes."

"Twenty five minutes?" sinulyapan naman nya ang suot na relo saka umiling. "Nagkamali ata ako ng kalkula ng oras."

"Kalkula?" mabilis na binitbit ko sya sa kuwelyo. "Hywell!"

"C-chill kuya Zed," itinaas pa nya ang magkabilang kamay. "I just slightly manipulated the time."

Manipulated the time? Hindi makapaniwalang binitawan ko sya. Ano pa ang kaya nyang gawin?

He then snapped his finger. Doon ko lang napansin na parang may kung anong nakalukob sa amin ang nawala.

"If you want, I can let you copy it," aniya.

"As if I could."

"So, interesado ka nga? Bakit?" dumikit pa sya sa akin. "Magka-cutting classes ka ano? Hindi mo gagamitin sa tama ang ability na iyon."

Naiinis na itinulak ko naman sya. "Lumayo ka nga!"

Tumawa naman sya ng malakas saka ipinakita sa akin ang kanyang relo. "The reason why you can't copy the ressurection ability is because it is something beyond your capabilities. Now watch, this is something you should be able to copy."

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon