14.

49 8 0
                                    

Zed's POV

WALA sa paksa ang atensyon ko. Ni wala nga akong pakialam sa discussion na nagaganap sa harapan ko. Naghalumbaba na lang ako habang pinapanood sila na nagtatalo-talo tungkol sa tamang pagdidisarma ng baril.

I yawned the took a sip of my mocha frappe. In fairness, masarap ang kape dito sa Princeton Cafe.

"Nakikinig ka ba Zed?"

"Huh?"

Sa akin tumutok ang kanilang atensyon. Napatuwid naman ako sa aking pagkakaupo.

"N-nakikinig ako," awtomatikong napakamot pa ako sa batok.

Tinaasan naman ako ni Milly ng kilay.

"Kung nakikinig ka," ani Wilson. "Ano ang pinakamabilis i-reassemble na baril?"

Ano bang tanong iyan? Para lang nila ako tinanong ng one plus one eh!

Nagkunwari naman akong nag-isip. "Eh," I faked a laugh. "Nakalimutan ko?"

They all frowned. Ngumiti ulit ako. "Papanoorin ko ulit ang video-"

"Dapat lang!" sigaw na ni Kairon. "Kapag ang grupo natin ang may pinakamababang puntos, alam mo na ang kalalagyan mo." He even showed me his knuckles.

"O-oo, mag-aaral ako," pagsang ayon ko na lang.

Binalingan naman ulit nila ang hologram ng isang pistol saka nagpatuloy sa kanilang discussion. Pinigilan ko naman na mapahikab ulit dahil baka sabunin na naman nila ako.

Sumulyap na lang ako sa pagma-manipulate nila sa pistol hologram. They tried to reassemble it over and over but they still fail. Lihim akong napailing. Akala ko ba ay nag-aral sila? Saka bakit nila pinepwersa ang mga sarili na pag-aralan agad ang pistol gayong pwede naman silang magsimula sa pinaka-basic at pinakamadaling i-reassemble na baril?

Glock 17. Iyon din ang sagot sa tanong nila kanina. Hay, mukhang gusto lang nilang magpakitang gilas sa paparating na firearm training.

Luminga na lang ako sa paligid. The cafe was filled with customers even at this time. Papalubog na ang araw pero parang lalong dumadami ang mga dumadating.

"Huh?" a familiar aura shot my head. Kaagad akong napalingon sa entrance ng cafe.

Kamuntikan na akong mapatayo nang makita kong kasalukuyang pumapasok si Dylan at Xavier. Bahagya akong natawa, nagdi-date pala ang dalawang ito?

I stretched my body and stood up. Wala ako sa mood makipag-catch up sa dalawang mokong na iyon. I don't want them to see me.

"P-pwede bang mauna na ako?" paalam ko.

"Hindi pa tayo tapos sa discussion Zed!"

"May importanteng lakad lang talaga ako. Pangako mag-aaral ako pagdating sa dorm."

"Siguruhin mo lang!"

With that, I pick up my frappe and turn my back. May lakad talaga ako pero parang may kung anong humihila sa akin na bumalik na agad sa academy. May naiwan nga pala ako doon na batang makulit.

"Bakit ba kasi sa grupo pa natin napunta ang wirdong iyon."

"Oo nga! Sa klase natin sya palagi ang may pinakamababang marka pagdating sa mga quizzes."

Para naman akong binagsakan ng bato sa sinabi nila. Kailagan talaga iparinig sa akin kung gaano ako kahina pagdating sa academics?

Tuluyan na lang akong lumabas ng Princeton cafe. Hindi naman talaga ako bobo eh. Sadyang tamad lang ako mag-aral. Magkaiba iyon!

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon