Dylan's POV
HINIHINGAL na naupo na lang ako sa mabatong semento. Halos maubos yata ang hangin sa katawan ko sa bilis ng ginawa naming pagtakbo. Tangina, wala pa akong matinong pahinga mula nang dumating kami dito sa norte.
"I-ito na ba iyon?" hinihingal na tanong din ni Xavier.
"Y-yes," sagot naman ni Calvin.
We finally arrived at Zed's residence. Mula sa kinauupuan ko ay natatanaw ko ang isang malaking mansyon. Sira-sira na iyon na tila dinaanan ng matinding bagyo.
"H-hindi ko akalain na m-may ganitong sikreto si Zed," wika ko. "That asshole is stinking rich!"
"Hindi iyon ang ipinunta natin dito," putol naman ni Calvin. "We need to check the house to see if Zed is still here."
Nakangiwing tumayo na lang ako habang pinapagpag ang aking pantalon. "Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako tumakbo ng ganoon kabilis!"
"Ikaw lang ba?"
Damn! My feet is killing me! Sinong mag-aakala na ang nakarating kami dito sa loobg lang ng isang oras? Kung tutuusin ay dapat ilang oras ang paglalakbay bago marating itong bahay nina Zed.
"Dapat talaga nagdala tayo ng sasakyan," angal ko.
"You've seen the road right?"
Sumimangot na lang ako. Yeah I know. Cars are useless now. Lahat ng kalsada ay nahaharangan ng natumbang puno. Ang ilan nga ay may mga bangkay pa ng tao na hindi pa nalilinis.
Parang babaligtad ang sikmura ko nang maalala ang mga nakita ko kanina. It is my first time seeing many dead bodies! I'm sure this will haunt me in my dreams.
"Let's go," wika ni Calvin saka nanguna papasok ng bukas na gate.
I just groaned in protest. Wala man lang ba syang balak pagpahingahin kami?!
We just went inside and checked every corner of the mansion.
"He's not here," wika ni Xavier na galing sa ikatlong palapag. "I also checked the surroundings but I did not see him."
"The basement is also cleared," imporma ko.
Nakita ko na tila napaisip naman si Calvin. I bet he's also thinking where Zed could be right now.
"Narinig nyo iyon?" bulalas ni Xavier.
Napalingon din ako sa labas. Hindi pa ako nakakapagsalita nang tumakbo bigla si Calvin palabas. Wala kaming nagawa kundi ang sundan sya.
"He's not here," wika ni Calvin habang nakatingala sa langit.
Nagtataka na sinulyapan ko din ang kalangitan. The dark clouds are starting to move towards a certain direction. Maging ang mga kidlat ay tila doon na nakatuon.
"Could it be..."
"Zed might be there," muli ay tumakbo si Calvin palabas ng gate.
Napapadyak na lang ako. Hindi na ba matatapos ang pagtakbo namin?!
![](https://img.wattpad.com/cover/258114131-288-k781724.jpg)
BINABASA MO ANG
Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)
FantasySuperno Academy: Shadow Prince SEASON 3 Started: April 2022 Ended: September 2022