Zed's POV
HINIHINGAL na tumigil ako sa mabilis na paglalakad. Nilingon ko na lang ang dome na pinanggalingan ko. Did I just screwed myself? Naipilig ko na lang ang aking ulo. If Shin really saw me using my ability then I need to manipulate his memory. Mahirap na.
Nagsimula ulit akong maglakad. Babalik na ba ako sa classroom? Nope. Baka naroon pa din ang mga naghihintay sa akin.
Napahikab na lang ako saka tumingala sa kalangitan. Ilang araw nang ganito ang nangyayari. Madalas ay nasa labas ako para magtago. Minsan naman ay nasa hideout namin para sa daily reports.
Speaking. Kasalukuyang ipinatigil ko muna ang pagpapatrol nina Nix. Base sa report nila, malaki ang ibinaba ng kaso ng kaguluhan sa campus. Bagay na nagustuhan ko naman. Ang hinihintay ko na lang ay ang pagsugod sa akin ni Calvin.
I unconciously smile. Nasaan na pala ang hambog na iyon? Inaasahan ko na susugod sya sa akin sa unang araw pa lang pero nagkamali ako. He's silent.
Is he hiding? Madami na ang kumekwestyon sa pamumuno nya bilang king. Iyon lang ba ang magpapaurong ng kayabangan nya? Tsk. Wala man lang excitement sa larong ito.
"Teka," isang pigura ang umagaw sa pansin ko.
Mula sa pwesto ko ay nakita ko si Skyler na nagmamadaling naglalakad patungo sa direksyon ng gate. Nagsalubong ang aking kilay. Isa pa ang lalaking iyon. Ilang gabi na syang hindi umuuwi sa dorm. Kaya nga halos hindi na ako makatulog dahil doon naglalagi si Hywell para bwisitin ako.
Saan sya pupunta?
Isang desisyon ang nabuo sa isip ko. Mabilis na tumakbo ako para sundan sya.
"Senior!" tawag ko sa kanya.
"Ha?" he looked back. "Zed?"
Ngumiti pa sya ng malapad. Why do I find it so creepy? Kanina lang ay napakaseryoso ng mukha nya.
"Hindi ka umuuwi sa dorm," wika ko nang makalapit sa kanya.
"Ah iyon ba? Nakalimutan ko sabihin sa'yo na may inaasikaso ako sa labas kaya pansamantalang sa amin ako umuuwi."
Tiningnan ko naman sya mula ulo hanggang paa. He's not wearing his uniform.
"Ganoon ba?" saad ko na lang. "Akala ko ay nag-drop out ka na."
Tumawa naman sya. "Kamusta na? Hindi mo yata kasama si Shaina?"
Bakit nya hinahanap si Shaina? Lihim akong napasimangot.
"Hindi ko alam kung nasaan sya," sagot ko.
"Hindi mo alam kung nasaan sya?" kumunot pa ang kanyang noo. "Have you tried calling her phone?"
Tumango ako. "Cannot be reach."
"Ganoon ba. Hmm... ilang araw na kayong hindi nagkikita?"
Hindi ako umimik. Nanatiling nakatitig sa kanya ang mata ko. Something is off. Hindi ko mahagilap si Shaina, at the same time he's also missing in action.
"Ilang araw na din," sagot ko na lang. "Baka makikita mo sya. Pakisabi hinahanap ko sya. Ilang araw na yata syang hindi pumapasok."
Muli ay ngumiti sya. "Sure. Kung makikita ko sya."
Tinalikuran na nya ako saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Sure. Kung makikita ko sya."
I tilted my head. I don't like the way he said it. Bakit parang may laman?
![](https://img.wattpad.com/cover/258114131-288-k781724.jpg)
BINABASA MO ANG
Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)
FantasySuperno Academy: Shadow Prince SEASON 3 Started: April 2022 Ended: September 2022