Hywell's POV
GUSTO kong matawa sa hitsura ngayon ni kuya Zed. Bakas na bakas kasi sa mukha nya ang pagkagulat at pagkailang mula nang pumasok kami sa cafeteria.
"Para sa'yo Hywell," inabot ng isang cute na babae ang isang burger at bote ng coke.
Nakangiting hinawakan ko naman ang kanyang kamay. "Salamat Lilac."
Hindi naman nakaligtas sa akin ang pamumula ng mukha nya. Aish! Girls are really easy to please.
"A-alam mo ang pangalan ko?"
Mas lalo akong ngumiti. "Kaklase kita kaya dapat ay alam ko. Isa pa—" inilagay ko pa ang hintuturo ko sa aking sentido. "With this brain, I can easily memorize all your names. Lalo na kung maganda."
Nagtilian naman ang mga kasama nya. Bigla naman akong nakaramdam ng sipa sa ilalim ng lamesa. Sinulyapan ko naman ang kaharap ko na walang iba kundi si kuya Zed.
"Para sa'yo Zed," isang magandang babae naman ang lumapit sa kanya. "Ako nga pala si Hyacinth."
Gusto ko na talagang matawa sa ekspresyon ni kuya Zed.
"K-kung hindi mo natatandaan," namumula ang mukhang yumuko pa si Hyacinth. "Ikaw ang tumulong sa akin last year noong na-bully ako."
Hmm.
"Talaga?" singit ko. "Alam nyo, itong kuya ko, magaling talaga sa hand to hand combat."
Isang sipa na naman ang naramdaman ko pero inignora ko na lang iyon.
"Talaga Hywell?" nagniningning ang mga mata ng mga babae sa harapan namin.
"Oo! Hindi nga lang nya ginagamit."
"Aw! Kaya pala hinahayaan lang nya na ma-bully sya ng iba."
"Pero tumutulong naman sya sa ibang nabu-bully."
Nakangiting tumango pa ako. "Kaya sana mula ngayon, maging kaibigan nyo na din si Zed."
"Oo naman Hywell!"
"Pasensya ka na Zed kung hindi ka namin pinapansin. Para kasing mas gusto mong mapag-isa."
Sinulyapan ko naman si Zed. Halatang pilit ang ngiti na ibinibigay nya sa bago nyang fan girls.
"Kakain na kami girls," putol ko sa kanila. "Kumain na din kayo."
Nagpaalam na sila saka kami iniwan.
"Uy," pinagkiskis ko pa ang palad ko habang pinagmamasdan ang mga pagkain sa aming table. "Kung araw araw nila tayong bibigyan ng pagkain, hindi na tayo gagastos pa!"
Hay! Ang daming pagkain! Halos napuno ang lamesa namin. Ayos talaga ang naisip ko. Minsan talaga gusto kong magpasalamat sa magulang ko dahil biniyayaan nila ako ng gwapong mukha.
Binalingan ko naman si kuya Zed na ngayon ay nakasimangot na. "Hindi ka ba kakain?"
"Patay gutom ka talaga ano?"
"Ikaw naman, di ba masamang tumanggi sa grasya?"
Inirapan naman nya ako saka dinampot ang fries. "Ang laki din ng bilib mo sa sarili."
Hinawakan ko naman ang baba ko saka kumindat. "Alam mo kuya Zed, kung pwede lang ma-inlove sa sarili, matagal na akong na-fall sa mukha ko."
Binato naman nya ako ng nandidiring tingin. "Bakit ba sa section ka namin nagpalipat? Di ba top one ka sa acceleration exam? Bakit hindi ka nag-transfer sa section one?"
BINABASA MO ANG
Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)
FantasySuperno Academy: Shadow Prince SEASON 3 Started: April 2022 Ended: September 2022