31.

38 6 0
                                    

Zed's POV

TINATAMAD na napasuklay na lang ako sa aking buhok nang mapatumba ko ang pinakahuling tauhan ni Winston. Akala ko pa naman ay mga mga ibabatbat dahil puro mga mid tier na ang kanilang abilities at karamihan sa kanila ay elites pero nagkamali ako.

Iisa lang naman ang nakaswerte sa kanila. Tsk. Naiiling na minasdan ko ang manggas ng polo ko. It was ripped because of the claw ability of the girl, may dugo din na umaagos sa braso ko. Hay, nakatsamba sya doon ah.

Nilapitan ko naman si Shaina na nakahiga sa damuhan. She's still sleeping. Nag-igting ang panga ko nang mapansin na bahagyang naka-expose ang kanyang bra dahil sa punit na uniporme. Hinubad ko na lang ang suot kong polo saka ibinalot iyon sa kanya.

"S-sino ka!"

Nakalimutan kong andito pa pala si Winston. Marahan na humarap ako sa kanya.

"Do you wanna know?" mababa kong saad.

Mula sa pagkakalugmok sa damuhan ay gumapang sya palayo. "B-bakit hindi pa din nawawala ang veil? Dapat ay nawala na iyon dahil wala nang malay si Jess!"

Napapalatak naman ako. "Ah! Iyon ba? Ako ang dapat mong patulugin para mawala ang veil na ginawa nya," nakangisi kong saad saka tumingala sa kulay itim na veil na nagkukulong sa amin.

"Hindi ka totoong mortale! Naalala ko na. Madami akong naririnig tungkol sa'yo! Ikaw ang kaibigang mortale ni Ava na madalas ma-bully."

Napahawak naman ako sa aking baba. "Sikat pala talaga ako?"

"Makalabas lang ako dito, sasabihin ko sa lahat ang sikreto mo!" ngumisi din sya. "Lalo na si head master, siguradong hindi nya palalagpasin ang katulad mo."

Bahagya naman akong natawa sa sinabi nya. Tawa na nauwi sa malakas na halakhak. Damn, ang lakas nya mag-joke.

"Sorry ha?" pagpipigil ko sa pagtawa. Napahawak din ako sa sumasakit kong tyan. "Hindi mo yata naintindihan. Ang sabi ko, makakalabas ka sa kulungang ginawa nyo sa oras na mapatulog mo ako."

"Bullshit! Ako si Winston Navarro! Mula sa pamilya na kilala sa paggamit ng fire element! Hindi ako magpapatalo sa'yo!"

He stood up and cast his fire magic. Bumalot na iyon sa buo nyang katawan. I also saw his arms turned into steel. Napasimangot naman ako. May lakas pa din sya?

"Hyaaah!" he again teleported near me.

Nang maramdaman ko ang papalapit nyang suntok ay ginamit ko din ang teleportation ability nya. I instantly moved behind him and gave him a kick. Tumama iyon sa tagiliran nya na kaagad nyang ikinaluhod. I also saw him spit some blood.

"Too slow," paggaya ko sa sinabi nya kanina.

"P-paano..."

Pinanood ko lang sya habang buong lakas na tumayo ulit. I know he's just enduring the pain I gave him. Ang nakangiwi nyang mukha habang sapo ang tagiliran ang pruweba.

"Bibigyan pa kita ng isang pagkakataon," sa isang kisap mata ay nasa harapan na nya ako. "Hindi kita pahihirapan kagaya ng ginawa ko sa mga kasama mo. All you need to do is follow my order."

Sa kabila ng sugat na natamo ay nagawa pa nyang tumawa. "At bakit ko gagawin ang gusto mo?"

Nilingon ko naman ang mga kasama nya na walang malay. "I might burn them alive if you will not agree."

"Hindi mo magagawa iyon!"

Matalim na tinitigan ko naman ang mga kasama nya. Bigla din ang pagsulpot ng apoy sa paligid ng mga ito. "I can."

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon