PANIMULA

3.1K 109 24
                                        

A/N: I haven't edited my story yet, so please bear with the wrong grammar, wrong spelling and punctuation. You may encounter some bad words, so it's up to you whether you want to read it. I will try to edit it when I finish my new story entitled HIS GIRL. THANK YOU VERY MUCH FOR YOUR SUPPORT AND UNDERSTANDING



PANIMULA

Inayos ko muna ang suot kong hoodie bago ko naisapan na kunin yung gitara sa kaibigan ko. Bago ako tumugtog ay pinagmasdan ko ang kaibigan ko na ngayon ay busy sa pag-se-cellphone. 
 
 
 
Nagsimula na akong mag-strum nang gitara, habang ang paningin ay nasa lalaki pa din. 
 
 
 
"Puno ang langit ng bituin at kay lamig pa ng hangin sa'yong tingin ako'y nababaliw giliw." Dinahan-dahan ko ang pag kanta para naman mas dama.
 
 
 
Bahagya siyang napalingon sa akin, kaya naman nag-iwas ako nang tingin.
 
 
 
"At sa awitin kong ito sana'y maibigan mo. ibubuhos ko ang buong puso ko.. sa isang munting harana para sayo."
 

Gulat akong napatingin sa kanya ng bigla siyang pumalakpak. Niyakap niya pa ako sa sobrang tuwa niya kaya naman natawa ako.

"Parang tanga, theo." Usal ko habang natatawa pa rin pero siniksik niya lang ang kanyang muka sa leeg ko.

"Ang ganda ng boses mo." Seryosong sabi niya, Marahan akong napangiti sa sinabi niya.



Aminado naman ako na maganda talaga ang boses ko pero iba pa rin kapag siya ang nag sasabi.

Napaawang ang labi ko nang bigla siyang humiga at ginawang unan ang hita ko. Natawa nalang ako dahil sa ginawa niya, kaya naman gamit ang kamay ko ay sinuklayan ko ang kanyang buhok.
 

"May gusto sana akong sabihin sayo." Kinakabahang sabi ko habang ang paningin ay nasa kalangitan.
 
 
 
 
Kitang-kita ko ang maliwanag na buwan at ang mga milyong milyon na bituin sa madilim na kalangitan. Marahang humangin ng malakas, kaya naman nilamig ako.


"Ano yun?" Tanong ng kaibigan kong si theo, Nakatanaw din siya sa buwan kagaya ko. Marahan akong napangiti sapagkat naiisip ko na parehas lang kaming nakatanaw sa maliwanag at maganda na buwan.
 
 
 
 
Yumuko ako at pasimpleng kinurot ang sarili ko para mapigilan ko ang pag-amin sa lalaki. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na malungkot, gusto ko na sabihin sa kanya na gusto ko siya...gusto ko ang kaibigan ko.
 
 
 
Naiinis ako sa sarili ko, minsan na nga lang ako magmahal sa kaibigan ko pa natagpuan. Kapag ba umamin ako, sasabihin niya din na gusto niya ako? O iiwasan niya lang ako katulad nang ginawa niya sa isa niyang kaibigan?

"May nagugustuhan na ako." Ani ko habang ang paningin ay nasa mga paa ko na. Hindi ko kayang tumingin sa kanya dahil alam ko sa sarili ko na once na tumingin ako sa mga mata niya, bibigay ako. Masasabi ko sa kanya ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya.
 
 
 
 
"Talaga? Sino? Gwapo ba siya?" Sunod sunod na tanong niya. Mahahalata sa tinig niya na mukang interesado siya sa lalaking nagugustuhan ko.

Kung alam mo lang.

"Sobrang gwapo niya." Wika ko at ngumiti. Nagulat ako nang biglang hinawakan niya ang baba ko at pilit na hinarap sa kanya.

Theo, mahal kita hindi bilang kaibigan, mahal kita higit pa sa pagkakaibigan.

"Dalaga kana talaga ,Eloise!" Masayang sabi niya at tumawa ng malakas. Tumawa nalang din ako para hindi niya mahalata na nalulungkot ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil nakarinig ako nang ingay mula sa baba. Mabilis akong nagtungo sa cr para maghilamos. Nagmamadali pa ako dahil pakiramdam ko ay si theo ang nag-iingay sa baba.
 
 
 
Nakasuot lang ako nang isang oversized t-shirt at maikling short. Sinuot ko din ang paborito kong sumbrelo, paniguradong mag aaya si theo na gumala.
 
 
 
Napaawang ang labi ko nang makitang hindi si theo ang nasa baba, nakaupo si tita Isabelle sa single sofa namin at samantalang si mama naman ay masayang nakikipag kwentuhan kay tita Isabelle at tita Kristen.

Best mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon