CHAPTER 5
"Bakit!?"
Sigaw ni jade habang nakaupo sa sofa ng bahay namin. Mukang boss na boss pa siya sa upo niya at feel na feel niya pa.
"Ano?" Inis kong tanong at naupo sa tabi niya, pero humiga siya.
"Wag kang hihiga! Bakit pa lang ang tanong ko sayo obvious na obvious na Inday!" Sigaw niya peke pang natawa. Kumunot naman ang noo ko.
Pinagsasabi nito?
"Bakit kayo mag kayakap ni theo sa gitna nang daan?" Dahan-dahan niyang tanong. Napangiti naman ako sa tanong niya, kaya agad ko siyang binato ng unan.
"Secret! Umuwi kana matutulog ako!" Sabi ko at masayang umakyat. Narinig ko pa siyang nag reklamo, pero tinawanan ko lang.
Pagdating ko sa kwarto ay nagulat ako dahil andon na si Raylee. Nakaupo ito sa harap ng salamin habang nag-susuklay. Mukang katatapos niya lang maligo.
Nakangiti akong umupo sa kama at masaya siyang tinignan. nagtataka siyang tumingin sa akin at tumawa.
"What? Baka mamaya matunaw ako niyan ah." Wika niya habang nag susuklay pa din. Umayos ako ng upo at nakangiting bumuntong hininga.
"Bantayan mo si Theo ah." Wika ko sa kanya. "Baka mamaya may mag kagusto sa kaniya d
ro'n, mag karoon pa ako ng kaagaw."
"Asahan mo na madaming mababaliw kay theo dahil gwapo siya." Natatawang sabi niya at umiling-iling pa.
"Oo nga 'no! Ah, basta bantayan mo siya ah." Wika ko. tumango na lang si Raylee at tumawa.
"Gusto mo talaga si theo 'no?" Tanong niya at tumabi sa akin.
"Oo naman! alam mo ba feeling ko siya yung makakatuluyan ko." Pag kwekwento ko sa kanya.
"Ang lakas talaga ng pakiramdam ko na mag kakatuluyan kaming dalawa. Magiging mag asawa kami. Mag kakaron ng ma daming anak at masayang mabubuhay katulad sa mga Disney Princess!"
"Bagay kayo kaya sure akong mag kakatuluyan talaga kayo." Masayang sabi niya.
"Ikaw ba? May nagugustuhan kana ba?" Tanong ko sa kanya at tumawa. Umiling naman si Raylee sa akin at bahagyang natawa.
"Wala! Ayoko mag karoon ng pamilya." Wika niya. Mag sasalita pa sana ako ng biglang tinawag kami ni mama para kumain.
Mabilis muna akong naligo ulit bago bumaba para makakain na. pagbaba ko ay nandon si mama mukang may kausap sa cellphone.
"Hindi! ayoko!" galit na wika niya at binaba ang hawak niyang cellphone. ngumiti siya sa amin ng makita kami ni Raylee.
"Halika na, kumain na tayo." Wika niya at inayos pa ang mga plato. Nagtataka kong tinignan si mama, naupo ako sa tapat ni mama habang pinapanood siya.
"Ma? sino 'yung kausap mo?" Tanong ko sa kanya. Nahinto siya sandali, pero ngumiti lang siya sa akin.
"Wala yung ka-trabaho ko lang 'yun, nangungulit." Wika niya. tumango na lang ako at nag simula nang kumain.
BINABASA MO ANG
Best mistake
Teen FictionNakaw tingin, pasimpleng pag ngiti, palihim na minamahal For Dahlia Eloise Sanchez, those feelings are enough for her to love her friend Theodore Gabriel. The man doesn't need to know how she feels because, first and foremost, she is afraid that th...