3

909 52 37
                                    

CHAPTER 3

"Kinilig kana ro'n?" 
 

 
Walang kwentang tanong sa akin ni Jade. Nandito kami ngayon sa tambayan namin, sa ilalim ng puno ng mangga.
 

 
"Malamang! Ikaw kaya sabihan ng akin kana! Hindi ka ba kikiligin." Wika ko habang nag Facebook.
 


 
Na-ikwento ko sa kanya ang napaka nakakakilig na pangyayari sa buong buhay ko! Pero imbes na suportahan at matuwa siya ang nangyare ay mukang hindi pa siya naniniwala!
 


 
Nakakakilig naman kasi talaga sabihan ka ng crush mo na akin kana diba? Kapag nga kinindatan ka lang ng crush mo mamamatay kana sa kilig what more kapag sinabihan ka pang akin kana.
 


 
 
"Malay mo yung illustration board yung tinutukoy niya, sinabi niya sa illustration board na akin kana." Sabi niya pa. "Napaka assumera mo naman kasi eh."
 


 
 
Inirapan ko na lang siya dahil dumating na yung mga tropa. Narinig ko pa na tumawa si jade, pero hindi ko na lang siya kinibo dahil paniguradong makikichismis na naman sila Marky. Hindi pa naman nila alam na may gusto ako kay theo, my loves.


 
 
Naupo si trace sa tabi ni jade, kaya naman umusog ako. Tumabi naman sa akin si dos. Samantalang sila Marky naman ay busy sa pakikipag landian sa mga bago nilang babae.
 



 
 
"Wala pa si Theo!" Usal ni bryan habang naka-akbay sa babae na muka namang bakla. Tumingin ako sa paligid at tama nga siya dahil wala ang laloves, este yung kaibigan ko. 
 
 


 
"Tawagan niyo, Siya lang kulang dito." Wika ni trace at hinalikan ang pisnge ni jade. Yuck! pda sila dito.
 
 


 
Sabay-sabay silang napatingin sa akin, kaya naman mas mabilis pa sa alas-kwatro ang pag salubong ng kilay ko. Nag tataka ko silang tinignan, pero nakatingin lang sila sa akin.
 


 
 
"Ano? Hindi ko naman tinago si theo." Mahinang sabi ko, Sapat na para marinig nila. Napapikit na lang sila sa inis dahil sa sinabi ko. Parang mga tanga naman, kasi may bibig naman sila hindi pa diretsong sabihin sa akin.





 
 
 
Malalim na buntong hininga muna ang ginawa ni Chris, Isa sa mga kaibigan namin ni theo. Naka-akbay din ito sa babae, habang ang babae naman ay inaamoy ang kanyang leeg. Napaisip tuloy ako, saan kaya napulot 'yang mga babaeng yan? 
 
 




"Napaka slow mo naman eloi! Tawagan mo si Theo." Malakas na sabi ni Chris. 
 



 
 
"Aba! ang kapal nyo naman mag utos kayo ang may kailangan edi kayo tumawag." Sabi ko at nag cross arm pa.
 



 
"Sige na! tawagan mo na si Theo kunwari ka pang ayaw mo pero mamaya mag bubunganga ka na naman dahil wala siya." Mahabang sabi ni Marky.
 
 


"Yanga! Hindi pa naman matatahimik kaluluwa mo kapag wala si manong theo!"
 



 
"Tawagan mo na bebe mo." 



 
 
Inis akong tumingin sa kanila, pero nawala ata yung inis ko dahil sa sinabi ni jade. Napatingin sa kanya ang mga tropa namin at halos mag unahan makalapit kay jade para sa chismis.
 



Best mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon