19

785 20 2
                                    

CHAPTER 19

"Theo and raylee is now officially engaged...."

Natulala ako sa huling salita na binitawan ni tita. hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin ko. Hindi ko alam kung titingin ako sa kanila o mag kukunwari na hindi ko narinig.

"Matagal nang nakaplano ito at ngayon lang namin naisipang sabihin sa kanilang dalawa dahil akala namin ay hindi sila papayag...." Natatawang sabi ni tita at tumingin pa sa anak. "Alam na ni theo ito no'n, Hindi siya nakasagot no'n dahil baka nabigla siya but now...ngayon malinaw naman na ang sagot niy-"

"Stop it mom!" Sigaw ni theo. Mabilis akong tumingin sa kanya dahil sa taas ng boses niya, ngayon ko lang siyang narinig sigawan ang mommy niya! "Hindi ko siya papakasalan."

Nakita ko nang magtiim ang bagang niya, kung pa'no niya pigilan ang galit niya. Kunot noong lumapit si tita kay theo.

"What do you mean? 'wag mo'ko ipapahiya dito!" Madiing sabi ni tita, sa mga oras na ito ay hindi ko na mapigilan ang pag tulo ng luha ko dahil sa sinabi ni tita. Alam ni theo na ikakasal siya! Bakit hindi niya man lang sinabi sa akin?

"Ma! fvck!" Sigaw niya, nag baba ako ng tingin ng lumapit sila Chris sa media at sinabihan ang mga ito na umalis na muna, maging ang mga bisita ay pinakiusapan nila pero wala. " I have a girlfriend!"

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko ng ipagsigawan niya na may girlfriend siya. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapalingon sa kanya. Hindi ako makapaniwalang ipagsigawan niya yun..pwede 'yun ikasira ng career niya.

Hinawakan ni dos ang balikat ko kaya naman napatingin ako sa kanya. Tumingin siya sa akin ng diretso at para bang sinasabi niyang magiging ayos din ang lahat.

"What?" Galit na sigaw ni tita isabelle habang hawak si raylee na ngayon ay malungkot na nakatingin sa akin. Pati din ba siya? alam niya?

"Uulitin ko pa ba ma? may girlfriend ako!" Sigaw ni theo. Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si theo at hatakin ako palapit sa nanay niya.

"Kayo? kayong dalawa?" Hindi makapaniwalang tanong ni tita isabelle. nanginginig akong tumango at nag baba ng tingin. Akmang sasabunutan niya ako ng pigilan siya ni raylee.

"Isabelle!" Sigaw ni mama at lumapit sa akin. mabilis niya akong niyakap at masamang tinignan si tita

Natatakot ako na baka mag kagulo sila mama at tita isabelle. Umiiyak akong tinignan sila pero na kay thea na ang kanilang atensyon.

"Theo! Hindi pwede yan." Sabi ni ate thea habang nakahawak sa kanyang dibdib. Bakas na bakas din ang lungkot sa kanyang mga mata dahil sa nalaman niya.

"Shut up ate!"

"Theo! alam mong mag pinsan kayo ni eloi! " Saad ni tito. Halos gumuho ang mundo ko dahil sa nalaman ko. Unting-unting lumabo ang mata ko dahil sa mga luhang nag babadya na namang tumulo.

Kami? mag pinsan kami?

"A-Ano pong ibig niyong sabihin?" Nahihirapang tanong ko. Mag sasalita sana si tito ng biglang hawakan ni theo ang kamay ko, napunta sa kanya ang atensyon nang lahat dahil sa ginawa niya.

"Let's go." Wika niya at akmang hahatakin ako ng pigilan siya ni tito. "Dad!"

"Let her, May karapatan siyang malaman." Wika ni tito. Tumingin sa akin si theo bakas na bakas sa kanyang muka ang galit at lungkot. Tumango ako sa kanya bilang senyales na gusto ko malaman yung sasabihin ni tito. Wala siyang nagawa kundi ang bitawan ako at mag iwas ng tingin.

Best mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon