CHAPTER 32
"Kain na Theo."
Nakangiting sabi ko pinagmasdan niya ang suot ko ngayon at nag tatakang naupo sa harap ng hapag kainan. nakangiti ko siyang sinandukan ng kanin at nilagyan ng ulam.
"Aalis ka?" Tanong niya habang pinapanood ako sa ginagawa ko.
Mas lalo kong nilakihan ang ngiti ko at tumango sa kaniya. bakas pa din sa kaniyang muka ang pag tataka kaya naman nag salita na ako.
"Kailangan ko kasi puntahan yung mga site baka gabihin ako ah." Usal ko at naupo sa harapan niya, kumuha din ako ng kakainin ko at nag simula ng kumain.
"Kailangan ba ako sa site?" Dahan-dahan at mahinang tanong niya pero sapat na para marinig ko. napatigil ako sa kinakain ko at napatingin sa lalaki.
"Nako hindi na,Titignan ko lang naman yung mga site tsaka isa pa kailangan mo mag pahinga." Saad ko at ngumiti sa kaniya, tumango-tango lang siya at nag simula ng kumain.
Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa habang kumakain kami, paminsan minsan ay napapatingin ako sa kaniya pero hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin.
Hanggang matapos kami sa pagkain ay hindi niya na ako tinignan pero hindi ko na yun pinansin, mabilis akong nag punta sa lugar ng mag asawa na sila chresty sunod ko naman na pinuntahan yung bahay sa tagaytay at ang huli ay sa may malabon.
Napalingon ako sa cellphone ko ng biglang mag ring yun akala ko si Theo yung tumawag pero nag kamali ako. kinuha ko na lang yun at sinagot.
[Coffee tayo,asan ka?] tanong ni jade.
"Pabalik na ako sa manila, send mo na lang sa akin yung location."
[Sige.]
Binaba niya na ang linya kaya nilagay ko na ulit sa bag yung cellphone ko. Pagdating ko sa coffee shop ay nakita ko agad si jade na mukang fresh na fresh. nakakahiya naman sa itsura ko.
Siya ang fresh fresh tapos ako mukang stress, my gosh. Kailangan ko ata mag relax, matapos ko lang talaga yung trabaho ko makakapag relax talaga ako.
"Kumusta, nakita ko yung post mo kahapon ah." Sabi ni jade at uminom ng inorder niya. ano kaya trip nito sa buhay? ang init init tapos nag kakape.
"Ayos naman." Sagot ko sa una niyang tanong. bumuntong hininga ako at tumingin sa kaniya. "Tingin mo babalik yung memories ni theo? "
"Tingin ko naman babalik yung memories niya, karamihan naman kasi sa mga nag kaka-amnesia ay bumabalik yung ala-ala nila pero meron ding hindi na nakakabalik."
"Paano kung hindi na bumalik yung memories niya? pa'no kung makahanap siya ng iba? pa'no kung hindi na siya bumalik sa akin?"
"Ang nega mo na sis." Saad niya at natawa, hindi ako kumibo at napansin niya yun kaya nag seryoso siya. "Kung hindi man bumalik yung memories niya edi gumawa kayo ng new memories together, kung may mahanap siyang iba edi mag bounce kana, dapat handa ka sa ganiyang sitwasyon kasi hindi possible mangyare yan. ganiyan na ganiyan kaya yung mga nangyayare sa mga palabas."
Natulala ako sa sinabi niya. pa'no nga kung may mahanap siyang bago? baliwala na lang ba sa kaniya lahat? wala na lang ba yun? tuluyan niya na lang ba kakalimutan yung pinagsamahan namin?
"Pero wag ka mag isip ng nega sis, tingin ko naman babalik yung ala-ala ni theo." Saad niya pero hindi yun sapat para mapawi yung lungkot na nadarama ko.
BINABASA MO ANG
Best mistake
Novela JuvenilNakaw tingin, pasimpleng pag ngiti, palihim na minamahal For Dahlia Eloise Sanchez, those feelings are enough for her to love her friend Theodore Gabriel. The man doesn't need to know how she feels because, first and foremost, she is afraid that th...