CHAPTER 29
TW: gun.
RAYLEE
"Saan ka galing?"
Napahinto ako sa paglalakad at dahan-dahan tumingin sa likod ko. she turned on the lights at masama akong tinignan.
"Ma? bakit gising ka pa?" Kinakabahan kong tanong at napalunok ng sariling laway. shit, bakit ba gising pa si mama tsaka bakit siya naka bihis pang-alis?
"Ako ang unang nag tanong raylee." Matigas niyang ani at lumapit sa akin. "Saan ka nag punta? nakipag kita ka ba kay dos?"
"H-Hindi ma, bumili lang ako ng snacks ko."
"Sino kasama mo?"
"A-Ako lang."
Lie, kasama ko si dos ng bumili ako ng snacks pero hindi ko na dapat malaman ni mama na kasama ko si dos ngayong gabi. paniguradong magagalit siya.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. mukang hindi pa siya naniniwala na ako lang ang mag isa kahit hindi naman talaga.
"What's happening here?"
Napatingin ako sa kwarto ni mama ng may lumabas na lalaki, inaayos nito ang kaniyang relo habang nakatingin sa akin. paniguradong bagong boyfriend na naman ni mama 'to.
"Sino siya?" I asked
"He's jm, my boyfriend." Wika niya at tumingin sa lalaki.
Ngumiti sa akin si jm at nilahad ang kaniyang kamay. tinignan ko lang yun at nag lakad na patungo sa aking kwarto. bastos na kung bastos pero wala akong pakialam, hindi ko talaga hilig makipag kamay sa mga nakakasama niyang lalaki.
Kinuha ko na lamang ang aking cellphone sa bulsa ko at inopen ko ang photos para makita ko ang picture namin ni dos. halos tatlong oras ko kasama si dos pero kulang yung tatlong oras kapag kasama ko siya.
"Iloveyou." Wala sa sariling sabi ko habang tinitignan ko ang picture namin na dalawa.
Kung gusto lang talaga ni mama si dos para sa akin siguro may pamilya na kami ni dos, chariz. pero kung nagustuhan lang talaga ni mama si dos sigurado akong hindi mangyayare lahat ng 'to. hindi namin kailangan mag date ng patago ni dos. hindi ko kailangan mag sinungaling kay mama.
Nakakainis naman kasi eh. Sa dinadami daming babaeng pwedeng naging ex ni papa bakit yung nanay pa ni dos. Ilang buwan na ang nakalipas mula ng malaman ko na nanay pala ni dos ang ex ni papa, kaya pala ayaw ni mama si dos para sa akin dahil nanay pala niya ang pinagseselosan ni mama.
Mabuti na lang at hindi kami mag kapatid sa ama ni dos.
Napatayo ako ng marinig ko ang tunog ng sasakyan sa labas. mabilis akong lumapit sa bintana at hinawi ang kurtina. nakita ko ang mga kalalakihan na kausap ni mama, malalaki silang tao at mukang mga siga.
Napailing na lang ako at bumalik na sa kama ko. ilang araw ko na nakikita dito sa bahay yung mga lalaking yun, hindi ko sila kilala at napaka impossible na boyfriend sila ni mama.
Kinabukasan, maaga akong nagising kaya bumaba na ako. nakita si mama na bihis na bihis at mukang galit na galit sa kausap niya sa cellphone.
"Oo, mag antay ka nga babayadan ka naman." Sigaw niya pa. nag lakad siya sa direksyon ko at gulat ng makita ako pero hindi nag tagal ay tumalikod ulit siya at muling sumigaw.

BINABASA MO ANG
Best mistake
Ficção AdolescenteNakaw tingin, pasimpleng pag ngiti, palihim na minamahal For Dahlia Eloise Sanchez, those feelings are enough for her to love her friend Theodore Gabriel. The man doesn't need to know how she feels because, first and foremost, she is afraid that th...