CHAPTER 33
"Hello? theo, kumusta kana?"
Tanong ko ng sagutin niya ang tawag ko. mabilis ang pagkunot ng aking noo ng hindi siya sumagot.
"Hello? Theo?" Usal ko. malalim na buntong hininga ang narinig ko mula sa kabilang linya.
"Si krizhel 'to." Napaawang ang labi ko ng marinig ko ang boses ni krizhel. dahan-dahan akong umupo sa sofa at pinilit na maging kaswal lang ang pananalita.
"Kumusta na si theo?" Tanong ko sa kaniya.
Matagal bago siya mag salita siguro pinag iisipan niya pa kung sasabihin niya sa akin or what. pinaglaruan ko ang daliri ko dahil hindi na ako mapakali, kung ano-ano na tuloy naiisip ko. kainis naman!
"He's..." Parang nag aalangan pa siyang sabihin.
"He's what? please krizhel tell me kung ano nangyayare sa kaniya." pagmamakaawa ko. tumayo ako at nagtungo sa kitchen para kumuha ng tubig.
"He's not okay eloise. mataas ang lagnat niya." aniya.
"Nasaan kayo? send me your address-"
"No need. ako na bahala sa kaniya."
"Hell no! ako na mag aalaga sa kaniya umalis kana diyan."
"Sorry to say this but hindi ka kailangan dito. mas maganda kung mag focus ka nalang sa trab-"
"Sino ka para sabihan ako? ano ka ba ni theo? pwede ba krizhel hayaan mo na ako na ang gumawa ng dapat gawin kay theo. ako dapat ang nag aalalaga sa kaniya hindi ikaw."
"Naiintindihan kita pero hindi nga pwede! siya na ang nag sabi na huwag ka papuntahin dito, sumunod lang ako sa gusto niyang mangyare."
Napakagat ako ng labi at hindi ako kumibo at natulala na lang. bakit? bakit ayaw niya ako pqpuntahin? ayaw niya ba ako makita? ayaw niya ba ako makasama? ayaw niya na sa akin?
"B-Bakit daw?" Tumingin ako sa itaas para mapigilan ang pag tulo ng luha ko.
"Ewan, Hindi ko alam." Aniya. napatango tango ako at hindi na nakasagot. napatayo ako mula sa kinauupuan ko at nag tungo sa kwarto ko. tinignan ko agad kung ano petsa na, palapit na pala ng palapit yung pag alis ko.
Aalis ba ako? tatakasan ko ba yung ganitong sitwasyon?ang hirap mag desisyon. alam ko na may magandang buhay pa ang nag aantay sa akin sa new york kaso pa'no ako aalis? pa'no ako aalis kung ganito nangyayare? walang maalala si theo at pakiramdam ko ay may gusto siya sa krizhel na yun.
Kung aalis ako ay mas lalo pa gaganda yung buhay ko kaso pa'no kung sa pag alis ko ay makaalala siya?
"Insan!" Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas yun, iniluwa non ang pinsan ko na mukang kinakabahan at mukang hindi alam ang gagawin
"Bakit? ano nangyare?" Nag aalala kong tanong. naupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
"Ano gagawin ko? Paano ko sasabihin kila tita?" Naiiyak niyang tanong. napakunot ang noo ko at pilit siyang pinakalma.
"Ano ba nangyare?" Tanong ko.
Lumapit siya sa akin ng kaunti at may binulong na ikinabigla ko.

BINABASA MO ANG
Best mistake
Teen FictionNakaw tingin, pasimpleng pag ngiti, palihim na minamahal For Dahlia Eloise Sanchez, those feelings are enough for her to love her friend Theodore Gabriel. The man doesn't need to know how she feels because, first and foremost, she is afraid that th...