25

918 20 1
                                    

CHAPTER 25


Napaawang ang labi ko ng makitang si theo at raylee yun, may pinag uusapan silang dalawa na mukang seryoso. pasimple akong sumulyap Kay dos na ngayon bagsak na ang balikat habang kumakain.


"Sadboy." Pang aasar ko kay dos tinignan niya ako ng masama pero ngumiti lang siya.


Hayan na, putangina mang aasar na naman siya.


"Ouch, mag kasama yung ex mo tapos yung pinagseselosan mo." Wika niya at kunwaring nasaktan pa.


Matalim ko siyang tinignan pero tumawa lang siya ng nakakaloka. Napakalakas ng tawa niya halatang nag papapansin sa pinsan ko, inantay ko lang siya matapos sa pag tawa bago siya bigyan ng isang pampamatay na irap.



Pinagpatuloy ko ang pagkain ko habang pinapakinggan siyang asarin ako, napaka panget talaga ng trip ni dos. inaasar ba naman ako sa ex ko.


"Nakatingin sila." Anunsyo niya. "Wag kang titingin."



Hindi ko siya sinunod, mabilis akong tumingin sa direksyon nila theo. kitang-kita ko ang malungkot na muka ni theo habang nakatingin sa akin ng mapagtanto niyang pinagmamasdan ko siya ay mabilis siyang nag iwas ng tingin at humarap kay raylee.



"Shit, yung puso ko." Saad ni dos at hinawakan pa ang kaniyang dibdib.


"OA mo."



Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at hindi na muling tumingin sa dalawa, bakit pa ba ako titingin? ano naman kung mag kasama silang dalawa hindi naman na masakit katulad ng dati.



"Pre! dito na kayo upo " Sigaw ni dos dahilan upang bumilis ang tibok ng puso ko. napatingin ako kay theo na ngayon ay palapit na sa amin.



Pota talaga 'tong si dos, lakas ng amats kapag 'to binawian ko iiyak talaga 'to wala sa oras. gwapong iyakin pa naman 'tong lalaking 'to.


Tumabi sa akin si dos samantalang si theo at raylee naman ay naupo sa harapan namin. pasimple akong tumingin kay raylee ngunit nag tama naman ang aming paningin, wala tuloy akong nagawa kundi ang ngumiti sa kanya.



"Musta na kayo?" Panimula ni dos at ngumiti. napatingin ako kay raylee na ngayon ay hindi pa din makapaniwalang kaharao niya yung unang lalaking minahal niya.



"Ayos naman kami. " Si raylee ang sumagot.



Nagulat si dos kaya naman natameme na naman siya. Siguro ay nagulat siya dahil hindi niya inaasahang si raylee ang sasagot sa tanong niya.


Napatango ang lalaki at nag iwas ng tingin, hindi siya mapakali ngayon at halatang anytime ay iiyak na siya. siguro nga ay mahal niya talaga yung pinsan ko, saksi ako kung pa'no tiniis ni dos hindi kausapin kay raylee, wala siyang tiwala sa sarili niya pinatago niya sa akin yung cellphone niya dahil baka daw maiunblock niya si raylee at kausapin ulit 'to ngunit ngayon ay naiiyak na siya dahil yung babaeng naging dahilan ng pag ngiti at lungkot niya ay nasa harapan niya na.



"Kayo? kumusta na kayo?" Tanong niya at tipid na ngumiti.



"Maayos naman kami, babalik din kami ni dos sa new york pag natapos ko na yung project ko dito sa pilipinas." Saad ko at ngumiti.


Ramdam ko ang paningin sa akin ni theo kaya naman lumingon ako sa kanya, dahan-dahan siyang tumango at nag iwas ng tingin.



"Ganon ba, ibig sabihin hindi kana mananatili dito?" Tanong ni raylee, hindi muna siya nag salita ng ihatid na nang waiter yung order nila ni theo.



Best mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon