CHAPTER 12
"Ang daming tao Theo." Nakangiting sabi ko habang pinagmamasdan ko ang paligid ko.
Nandito na kami ngayon sa concert ng Ben & Ben at tulad ng inaasahan ko ay madami ngang tao. Nakatayo kami ni theo dito sa gitna, Hindi naman masyadong malayo 'yung sa stage kaya makikita pa naman namin sila.
"Humawak ka sa'kin baka mawala ka." Biro niya. Napangiti naman ako ng dahil sa kilig. Nagiging malandi talaga ako kapag kasama ko siya shemay.
"Hindi naman ako bata." Natatawang sabi ko, tumawa naman siya dahil nag simula na ulit ang concert. Habang kinakanta ng Ben & Ben ang mga kanta nila ay iisang tao lang ang nasa isip ko at iyun ay si theo.
Umaga na sa ating duyan
'Wag nang mawawala
Umaga na sa ating duyan
Magmamahal o mahiwaga
Kaagad na nag hiyawan ang mga tao dahil, 'yun na ang huling kanta na iaalay ng Ben & Ben sa amin. napatingin ako sa paligid ko at mapait na napangiti ng makitang may mga mag jowang naka-yakap na sa isat-isa.
Respeto naman po sa mga single na kagaya ko. Hays, ganito na lang ba talaga ang ambag ko sa buhay? ang kiligin sa relasyon ng iba.
Matang magkakilala
Sa unang pagtagpo
Paano dahan-dahang
Sinuyo ang puso
Napatingin ako kay theo na ngayon ay nakangiting pinapanood ang Ben & Ben, tinignan niya ako pabalik ng makitang nakatingin ako sa kaniya.
Sa pagkakataong ito ay may naisip na naman akong kababalaghan. Puno man ng kaba ang puso ko ay tinitigan ko pa din mabuti ang kanyang mga mata bumaba 'yun sa kaniyang labi at bumalik sa kanyang mata.
Natulala siya, kaya naman tumingin na ako sa unahan at napangiti. Napanood ko kasi sa tiktok yun kaya sinubukan ko kay theo.
Kay tagal ko nang nag-iisa
Andiyan ka lang pala.
Napatingin ako sa mag-jowang nag hahalikan na. myghod! my virgin eyes! nag-iwas kaagad ako ng tingin at pilit na pinipigilan ang pag-tawa ko. Nagulat ako ng biglang yakapin ako ni theo patalikod. nanlaki ang mata ko at nag umpisa na naman tumibok ng napaka lakas ang aking dibdib. Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at doon ay nag tama ang paningin namin na dalawa.
"Naiingit ako." Sabi niya. napangiti nalang ako at muling tumingin sa harapan.
Mahiwaga
Pipiliin ka sa araw-araw.
Mahiwaga
BINABASA MO ANG
Best mistake
Teen FictionNakaw tingin, pasimpleng pag ngiti, palihim na minamahal For Dahlia Eloise Sanchez, those feelings are enough for her to love her friend Theodore Gabriel. The man doesn't need to know how she feels because, first and foremost, she is afraid that th...
