20

836 23 5
                                    

CHAPTER 20

Nakaupo ako ngayon sa kama ko habang nanonood ng tv. Habang inaantay ko mag alas-dos ng madaling araw ay nanonood muna ako. Boring kasi, mabuti na lang at maganda ang palabas na pinapanood ko ngayon.

"Nasa likod mo!" Sigaw ko at tinuturo pa ang multo sa likod ng babae. Naibato ko na lang yung unan ko ng biglang nag takbuhan sila. ilang minuto pa ako nanonood bago naisipang patayin ang tv dahil tapos naman na ang palabas.

12:30 am pa lang at isa't kalahating oras pa ako mag aantay kaya naman naisipan ko na lang buksan ang cellphone ko at tignan ang picture namin ni theo.

Halos mapunit ang pag mumuka ko ng makita ko na ang picture namin ni theo. Two years ago na ito pero hindi pa din maalis sa mga labi ko ang ngiti dahil sa magandang ala-ala nito.

Parehas kaming naka hoodie na dalawa, nakatingin siya sa akin habang ako naman ay nakaturo sa buwan.

Pangalawang picture namin ay kumakain kami ng ramen, natatawa kong sinubo ang ramen ko habang nakatingin sa kanya habang siya naman ay nakabusangot dahil hindi ko siya nilbre ng ramen no'ng araw na 'yun.

May hawak kaming cup ng Starbucks habang nakangiting nakatingin sa camera. nag peace sign pa siya kaya nag muka siyang anghel...sa paningin ko.


Ang pang-apat naman ay nakapasan ako sa kanya habang nasa dagat kami. Naalala ko ito yung araw na birthday niya at invited kami ni mama sa beach party niya!

Ang panglima naman ay ako naman ang nakasimangot sa picture. Mukang stolen picture yun dahil hindi ako makatingin sa camera, nakatingin ako kay theo na mukang mamamatay na sa tawa.

Ito ata yung araw na nag exchange gift kami sa tambayan namin. Pa'no ba naman kasi yung binigay niya sa aking regalo yung picture niyang nasa picture frame tapos nakakagago pa yung picture dahil naka topless siya do'n. Nakasabit sa kanya yung puting tuwalya habang umiinom siya ng tubig.

Katatapos niya lang kasi no'n mag swimming sa bahay nila. tarantado talaga ampota!

Napailing nalang tuloy ako at tinago na ang cellphone ko. Nahiga muna ako sa kama at natulog ng kaunti dahil paniguradong mamaya muka akong aswang kapag hindi ako natulog.

JADE

Parang gago talaga.

Napailing na lang ako at masamang tinignan si marky na ngayon ay naka-akbay pa din sa babaeng nakilala niya lang sa bar.


"No offense ha pero feel ko nagsasawa na yan sayo." Mataray kong sabi kay marky. Tumingin siya sa akin at mukang papatayin na ako sa sama ng tingin niya.


"No offense din ah pero feeling ko mag sasawa na din sayo 'yang boyfriend mo." Saad niya dahilan para mapatingin ako sa hari ng mga kumag.

Nakabusangot itong nakatingin sa akin habang nakanguso pa, kumunot ang noo ko ng irapan niya ako. amputcha baliw nga.


Hindi ko alam kung ano trip ni trace sa buhay niya. minsan seryoso, minsan abnormal minsan naman pinagsasabay. kapag ako talaga nabanas sa lalaking ito, ibibigti ko talaga iyan.


"Hoy!" Tawag ko sa kanya at kinalabit pa siya." problema mo?"


"Wala! wag mo ako hawakan!" Kumunot ang noo ko dahil sa kabaliwan ng baklang ito. umayos ako ng upo at mabilis siyang binatukan.


"Bobo! hindi nga kita hinahawakan diyan eh." Saad ko. inis siyang tumingin sa akin pero mabilis din siyang ngumiti ng makitang ngumiti ako sa kanya.

Best mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon