CHAPTER 34
Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwalang nakakayanan kong hindi puntahan si theo. gustong gusto kong gawin kaso nandon yung takot. takot na baka ipagtabuyan niya na ako at takot dahil baka may makita akong ikakasakit ko na naman.
Hindi ko alam na makakayanan ko pala na tiisin na huwag makita si theo. Nagpaka busy ako para hindi ko siya mapuntahan. inilaan ko sa trabaho yung mga natitirang araw ko sa trabaho.
Lahat ng pwedeng gawin ginawa ko para lang pigilan yung sarili kong puntahan at kumustahin siya.
Gabing gabi na pero patuloy pa din ako sa pag iyak. sa loob ng ilang linggo ay nag tiis ako na huwag talaga siyang makita, kahit gustong gusto ko siya makita pinipigilan ko para sa ikabubuti namin na dalawa.
Malalim na buntong hininga ang ginawa ko at kinuha ang cellphone ko. Napakagat ako ng labi ng pindutin ko yubg number niya. gustong gusto ko pindutin yung call pero nag dadalawang isip ako. napapaisip ako kung tatawagan ko siya sasagutin niya kaya?
Hindi kita kailangan.
Muli na naman bumalik sa akin ang katagang 'yun. mabilis kong pinatay ang cellphone ko at tinago yun kung saan. pabagsak akong humiga muli sa kama ko at isinubsob ang aking muka sa mga unan.
Bukas na yung alis ko at ayoko man itanggi ngunit umaasa ako na baka sundan niya ako tulad ng ginawa niya no'n.
Wala na akong pake kung magising sila mama at pagalitan ako sa ingay ko. wala din akong pake kung maubos yung luha ko kakaiyak. Ang mahalaga lang sa akin sa mga oras na ito ay malabas ko yung lungkot na nadarama ko.
"A-Ang sakit niya mahalin." Nahihirapang ani ko. hinawakan ko ang dibdib ko dahil sumasakit na ito. "A-Ang sakit sakit niya m-mahalin."
"Ano ayos na ba yung mga gamit mo?" Tanong ni mama. walang buhay akong tumango sa kanya at sinuot ang shades ko. ayoko makita nilang namamaga yung mata ko dahil sa kakaiyak kaya mas mabuti na ito.
Sumakay na ako sa van namin at tulalang nakatingin lang sa labas. ito na yung huling araw ko sa pilipinas, nakakatawa dahil sa tuwing aalis ata ako ng pilipinas ay lagi akong nabrobroken.
Habang nasa byahe kami ay panay na ang pag iisip ko kung ano na gagawin ko pag dating sa new york. Napahihto ang sasakyan namin dahil sa traffic malalim na buntong hininga ang ginawa ko at napairap. Dahil sa inis ni papa ay nag patugtog tuloy siya.
"Ang lungkot naman niyan mahal." wika ni mama dahil payphone yung pinatugtog ni papa. Hindi ko sila pinansin na dalawa at tumingin na lang ulit sa bintana ng sasakyan.
"May kasama tayong broken e." Pagtutukoy sa akin ni papa. Tumawa lang si mama at iniba ang usapan. Hindi sinasadyang dumapo ang paningin ko sa isang billboard.
Napaawang ang labi ko ng makita ang pag mumuka ni theo. May ine-endorse siya, unti unti na naman tumulo ang luha ko at napangiti.
"Hanggang sa muli.." Muling umandar ang sasakyan kaya hindi ko na nakita yung billboard. napabuntong hininga ako muling bumulong. "Mi amore."
"Ms architect! Dr rayver asked me to give this to you." Hinihingal na aniya. hinawakan niya ang kaniyang dibdib at huminga ng malalim.
Mabilis ang pagkunot ng noo ko tumingin sa paligid para hanapin ang sinasabi niyang tao. " Huh? where is he?"
BINABASA MO ANG
Best mistake
Teen FictionNakaw tingin, pasimpleng pag ngiti, palihim na minamahal For Dahlia Eloise Sanchez, those feelings are enough for her to love her friend Theodore Gabriel. The man doesn't need to know how she feels because, first and foremost, she is afraid that th...