CHAPTER 21
Nag simula na naman tumulo ang luha ko, para akong sinaksak ng libo-libong kutsilyo ng makita ko ang dalawang nag hahalikan. Nakapikit si Theo habang si raylee naman ay nakahawak sa magkabilang pisnge ni theo. tinakpan ko ang bibig ko para hindi nila ako marinig na dalawa.
Para na akong mababaliw sa mga nangyayare sa paligid ko. Muli na naman nag flash back sa utak ko ang lahat ng nangyare. ikakasal sila, mag pinsan kami ni theo, hindi dumating si theo, na-aksidente sila mama, ngayon...ngayon nag hahalikan ang taong mahal ko at ang babaeng pinagseselosan ko!
Palakas ng palakas ang iyak ko kaya naman naninikip na ang dibdib ko. Pumikit ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko, ganito na lang ba ako araw-araw? ilang iyak pa ba ang kailangan ko para lang matigil na itong mga problema sa buhay ko? napapagod na ako!
Gustong gusto ko puntahan si theo para sampalin siya at itanong sa kanya kung saan ako nag kulang? kung bakit niya ako sinasaktan ng ganito?
Tinakpan ko ng dalawang kamay ang aking bibig para hindi nila marinig ang malakas na pag hikbi ko, ngunit trinaydor ako ng hikbi ko kaya naman napatigil ang dalawa at mabilis na tumingin sa akin. Mukang nagulat pa si theo at naguluhan, Tinignan niya si raylee at tinignan ko, Mabilis niyang tinulak ang pinsan ko at nilapitan ako
"Eloise..."Mabilis akong tumakbo nang mag tangka siyang lumapit sa akin, ngunit naabutan niya pa din ako.
"Bitaw." Malamig na sabi ko
"No, let me explain." Matigas na sabi niya pero tinawanan ko lang siya.
"Explain mo muka mo, fvcking cheater!" Malakas na sigaw ko sa kanya at buong lakas siyang tinulak.
Napalayo siya sa akin ng kaunti kaya naman tinalikuran ko siya para mag lakad na ulit pero hinabol niya ako at hinarangan ang dadaanan ko.
"Please, Mag usap tayo." Pag mamakaawa niya sa akin pero malamig ko siyang tinitigan. Nasabunutan ko ang sarili ko at muli na naman umiyak.
Nandito kami ngayon sa may parking lot ng hospital. May ilang tao na nakatambay dito at pinag titinginan na kami pero hindi ko sila pinansin. Umiyak ako sa harapan ni theo, ipinakita ko sa kanya kung pa'no ako nasasaktan sa nakita ko.
"Tangina! napaka gago mo." Saad ko at napahilamos ng muka. Muli na namang umulan pero hindi yun naging hadlang para masira ang pag eemo ko dito.
"Eloise..." Tawag niya at pilit akong hinawakan pero tinulak ko siya.
"You cheated on me! you're a fvcking cheater!"
"No, i never cheated on yo-"
"Tama na Theo! kitang-kita ko na tatanggi ka pa. Gago ka ba?"
"Eloise, please makinig ka naman sakin." Pag mamakaawa niya. " Please..."
"Ayoko...ayoko na makinig sayo, Ayoko na paniwalaan ka!" Sigaw ko sakanya at pinunasan ang luha ko. Humihikbi ako habang nakatingin sa kanya.
"Tangina Theodore! Wala ka pa din pinagbago, ikaw pa din yung lalaking araw-araw na lang ako pinapaiyak at sinasaktan."
Muli kong pinunasan ang luha ko pero paulit-ulit lang silang bumabagsak. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil ang sikip, sobrang sikip.
Kitang-kita ko kung pa'no tumulo ang luha sa mga mata ni theo. Kung pa'no niya pigilan ang pag iyak niya.
"Ikaw lang yung lalaking may kakayahang durugin ako! ikaw lang theo. " Pinunasan ko ang luha ko. " Ano ba nagawa ko sa'yong mali?bakit mo ko sinasaktan ng ganito?"

BINABASA MO ANG
Best mistake
Ficção AdolescenteNakaw tingin, pasimpleng pag ngiti, palihim na minamahal For Dahlia Eloise Sanchez, those feelings are enough for her to love her friend Theodore Gabriel. The man doesn't need to know how she feels because, first and foremost, she is afraid that th...