CHAPTER 7
Masaya akong gumising kinabukasan. Masaya akong naligo at nag umagahan. nag isip na din ako ng bibilhin ko sa mall. Ang totoo talaga niyan ay hindi dapat ako pupunta sa mall, kaso dahil dakilang malandi ako nag rason ako sa kanya na samahan niya ako sa mall para makasama ko pa siya.
"Sis!" Tawag sa akin ni Raylee. Nakabihis na naman ito ng maganda, kaya napangiti ako.
Ang ganda ng pinsan ko!
"Hmm?" Sagot ko sa kanya at naupo sa sofa para suotin ang rubber shoes ko. Matagal tagal na sa akin, 'tong sapatos ko pero matibay at maganda pa din!
"Aalis muna ako ah, sabihin mo kay tita pumunta lang ako sa mall." Nakangiting sabi niya sa akin. Napahinto ako sa ginagawa ko at mabilis na napatingin sa kaniya.
"Sumabay kana lang sa amin ni theo." Nakangiting aya ko sa kanya. Umiling naman siya at ngumiti.
"Wag na, bonding niyo yun eh." Masayang sabi niya at inayos pa ang kaniyang mahabang buhok, Ngumiti na lang ako sa kaniya at hindi na nakasagot.
Bonding, ang sarap pakinggan na mag-bonding kami ng crush ko.
"Raylee, bagay ba sa akin 'tong suot ko?" Tanong ko sa kaniya at ipinakita sa kaniya ang suot kong oversized t-shirt. Tumango naman siya at nag thumbs up, kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko. Naupo din siya sa tabi ko at sinuklayan niya ng dahan-dahan ang buhok ko.
Excited na'ko sa gala namin ngayon ni theo. Ang balak ko sana ay pumunta kami sa arcade at kumain kami sa paborito naming Jollibee. Hindi ko na sabihan si Theo kung anong oras kami aalis ngayon dahil gusto ko siyang i-surprise. Paniguradong magugulat siya kapag nakita niyang nag punta ako sa bahay nila. Ang alam niya, kasi ay hindi ako masyadong nag pupunta sa bahay nila.
"Alam mo ang gwapo pala ni theo 'no?" Tanong niya. Napangiti naman ako ng malaki dahil hindi ko mapigilan ang kilig na nararamdaman ko. Tama naman siya, gwapo si theo at mas lalo siyang gwa-gwapo kapag naging akin siya...char!
Masaya akong tumayo at kinuha ang sumbrelo ko na nasa lamesa lang, gulat na napatingin sa akin si Raylee, kaya naman nginitian ko siya.
Bumaba ang tingin ko sa kulay pink niyang dress at mataas na sandals, napabuntong hininga tuloy ako, aalis nga talaga siya. Huhuhu sino maiiwan dito sa bahay? Baka mamaya mag layas, 'tong buhay pagalitan pa ako ni mama.
"Tama, sino kasama mo pumunta sa mall." Tanong ko at inayos ang suot kong sumbrelo. Itong sumbrelo ko ay bagong bili lang, and guess what? Kung sino nag bigay, ang nag iisang Theo lang naman.
Tumayo din siya para ayusin ang dress niya, maging ang mahaba at mabango niyang buhok ay inayos niya din. Muka talaga siyang Barbie! kung hindi ko lang siya pinsan at kung hindi ko lang gusto si theo baka niligawan ko na ito!
"Ako lang pupunta ngayon sa mall, bibili lang naman ako ng make-up." Masayang sabi niya at kinuha ang shoulder bag niya. Inipit niya ang kanyang buhok sa kanyang tenga bago ngumiti sa akin ng bongga. "Una na ako sayo."
Niyakap niya muna ako ng mahigpit bago lumabas, pati amoy niya nakaka-akit! Hindi na ako mag tataka kung madami siyang manliligaw!

BINABASA MO ANG
Best mistake
Fiksi RemajaNakaw tingin, pasimpleng pag ngiti, palihim na minamahal For Dahlia Eloise Sanchez, those feelings are enough for her to love her friend Theodore Gabriel. The man doesn't need to know how she feels because, first and foremost, she is afraid that th...