CHAPTER 26
"Napag utusan lang ako ng tita mo na halikan yung anak niya. " Malungkot siyang tumingin sa akin at mapait na ngumiti. " Dahil kung hindi ko daw yun gagawin ipapatay niya yung papa mo"
Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko ng sabihin sa akin 'yun ni theo. hindi ko alam kung maniniwala ako o magagalit ako dahil kung ano-ano yung pinagsasabe niya tungkol sa tita ko.
"Nagsisinungaling ka lang." Saad ko at tumango-tango ngunit umiling naman siya. kinuha niya yung cellphone niya at pinanood sa akin ang isang video kung saan kitang kita na nag uusap si tita at theo.
"Natatakot ako na baka gawin niya yung sinabi niya.alam kong mahalaga sayo yung papa mo" Mangiyak iyak na sabi ni theo. "Kaya kahit labag sa loob ko ginawa ko yung sinabi niya."
Unting-unting tumulo ang luha ko at hindi nakagalaw sa kinauupuan ko. pa'no niya nagawa sa akin 'to? ano ba gustong patunayan ni tita? bakit gusto niya kami pag hiwalayin ni theo?
THIRD PERSON
"Nakauwi na siya?"
Gulat na tanong ni Isabelle sa amin. may hawak siyang wine glass kaya naman naibato niya 'yun sa sobrang inis.
"Yes ma'am." Kinakabahan na ani ko. hindi ako makatingin sa kaniya ng maayos sapagkat alam ko sa aking sarili na kapag lumingon ako ay ako ang pagbubuntungan niya ng inis.
"May gagawin na ba tayo ma'am?" Tanong ng aking kasama. naupo sa pinakamalaking sofa si ma'am isabelle, masama ang tingin sa amin at mukang pinag iisipan pa ang sasabihin sa amin.
" Huwag muna, i'm sure na hindi pa din sila makakatuluyan pero ang gusto ko malaman ay kung bakit bumalik pa si eloise sa bansang ito."
Napatango kaming dalawa at nag paalam sa kaniya na aalis na kaming upang mahanap ang kaniyang katanungan. Hindi ko alam kung bakit malaki ang galit ni Isabelle sa batang si eloise ngunit ito lang ang nasisiguro ko.
Delikado ang buhay ni Eloise sa mga kamay ng kaniyang tita.
ELOISE
"Ouch." Nailabas ko kaagad aking dila dahil sa init na kape na ibinigay sa akin ni theo. nandito ako ngayon sa may hotel kasama si theo.
"Why?" Nag aalala niyang tanong, mabilis akong lumingon sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. minsan niya na nga lang ako bigyan ng kape tapos sobrang init pa.
"Ang init ng kape mo." Ani ko at inirapan siya, mabilis na kumunot ang noo niya ngunit mabilis siyang natawa ng marealize yung ginawa niya.
"Sorry, akala ko kasi gusto mo mainit eh." Saad niya habang tumatawa pa din, mag sasalita ulit sana ako ng biglang bumaba ang aking paningin sa kaniyang katawan.
O to the M to the G, Omg! wala siyang suot na damit at naka boxer lamang siya. Kitang-kita ko ang mga tinapay niya sa katawan.
"HAHAHA!" Tuloy niyang tawa.
Hindi ko siya kinibo at pinagpatuloy ko lamang ang pagtingin sa kaniyang magandang katawan. napalunok ako ng sarili kong laway at umiwas ng tingin, masyadong nakaka-akit ang kaniyang magandang katawan baka mamaya ano pa magawa ko.
"Tawa ka ng tawa, baliw ka ba?" Irita kong tanong at humarap sa laptop ko.
"Baliw sayo." Ani niya at umalis na sa sala habang tumatawa pa din, para siyang tanga na dahil tawa siya ng tawa kahit wala namang nakakatawa.

BINABASA MO ANG
Best mistake
Teen FictionNakaw tingin, pasimpleng pag ngiti, palihim na minamahal For Dahlia Eloise Sanchez, those feelings are enough for her to love her friend Theodore Gabriel. The man doesn't need to know how she feels because, first and foremost, she is afraid that th...