CHAPTER 27
THEODORE
"Hi, pwedeng makipag laro." Nakangiting aya ko sa isang batang babae. pinagmasdan ko ang kabuan niya at napailing na lang dahil sa suot niya.
She's wearing a big t-shirt! malaki sa kanya 'yun at pwede siyang madapa. napatingin ulit ako sa muka niya ng biglang tumaas ang kilay niya.
"Ayoko nga, diba tinulak mo ako don sa may sapa." Sigaw niya sa akin. she's maingay and mataray... i don't like her. "Tinulak tulak mo'ko tapos makikipag kaibigan ka sa'kin, ano ka gold."
Hindi kita tinulak, natulak kita kasi nadapa ako. gusto ko isigaw sa kanya yun pero napansin ko kaagad ang sugat niya sa muka. lalapitan ko na sana siya ng biglang tumulo ang sipon niya at pinunasan niya yun gamit ang kamay niya kaya kumalat ang sipon sa pisnge niya.
---
"Gusto mo?"
Napatingin ako sa batang babaeng nasa likod ko. nakasuot siya ng malaking damit at gulo-gulo din ang kanyang buhok. may dumi pa siya sa kanyang muka at nag kalat din ang sipon niya.
Siya yung babae kahapon.
"What?" Inis kong tanong at nag patuloy sa pag lalaro ng Roblox.
"Gusto mo gumulong?"Kaagad akong tumingin sa kanya para sana ipakita sa kanya ang inis ko kaso nakangiti siya.
"Ang panget mo." Sabi ko at umalis na sa harapan niya.
***
"Hi." Lumingon ako sa babaeng lumapit na naman sa akin, katulad kahapon ay ganon din ang kanyang suot.
"Baliw!" Sabi ko na naman at umalis sa harapan niya.
***
"Lalalaangpanget mo po." Sigaw niya sa akin at sinira ang laruan ko. mangiyak iyak ko siyang tinignan habang siya ay tumatawa na parang demonyo.
Bad siya!
I hate her
Mabilis ko siyang tinulak dahilan para matumba siya at umiyak din. dinilian ko siya at nag lakad na papasok ng bahay.
I hate her... she's bad!
Tinignan ko siya sa bintana at hanggang ngayon ay umiiyak pa din siya. umulan na din lahat-lahat pero hanggang ngayon ay nakaupo pa din siya at umiiyak na.
Umakyat na lang ako sa taas para mag palit ng damit at matulog. bago ako mahiga sa kama ko ay muli ko siyang tinignan, napakunot ang noo ko ng makita niya ako at dilaan din.
***
Lumabas ako nang bahay kinabukasan dala ko ang pagkain ko at ang bago kong laruan. bagong bili sa akin ni mama ito at gustong gusto ko 'to! tumingin ako sa paligid ko para mag-aya nang makakalaro!
BINABASA MO ANG
Best mistake
Teen FictionNakaw tingin, pasimpleng pag ngiti, palihim na minamahal For Dahlia Eloise Sanchez, those feelings are enough for her to love her friend Theodore Gabriel. The man doesn't need to know how she feels because, first and foremost, she is afraid that th...