CHAPTER 2
"Tara na! Malalate na tayo!" Sigaw sa akin ni theo.
Nagmadali kong kinuha ang bag pack ko at mabilis na bumaba ng hagdan. Muntikan pa ako mahulog sa hagdan dahil sa pamamadali ko, buti na lang hindi na tuloy.Kay theo lang dapat ako mahulog.
"Tara na!" Aya ko sa kanya ng makalabas na. Kaagad siyang tumawag ng jeep at pinauna muna ako makasakay bago siya sumakay.
Mabilis na nag-init ang ulo ko ng mapansing siksikan pala dito sa sinasakyan namin. Naupo ako sa tabi ng babae na estudyante rin hindi ko napansin na lalaki pala ang katabi ko sa isang gilid. Pinagmasdan ko siya at halos mapapikit na lang ako sa inis ng makitang puro tattoo.
Tumingin sa akin ang lalaki at halos sumabog ang dibdib ko dahil mukang manyakis itong nakatabi ko. Ngumisi siya sa akin, kaya nakaramdam ako ng kaunting kaba
Hindi ako judgemental, pero para talaga siyang manyakis!
"Babe! Dito ka sa tabi ko!" Sigaw ni theo.
Mabilis akong napatingin sa kanya dahil sa unang salita na sinabi niya. My heart started beating so fast! oh my ghad! He called me babe, right? o baka naman nabingin lang ako, pwede ba ulitin niya ulit.
Nakangiti ngayon si theo habang nakatingin sa akin. Ako naman ay nakatanga lang nakatingin sa kanya at pilit na prinoproseso sa utak ko kung tama ba ang narinig ko!
"May girlfriend na sis, sayang ang gwapo niya!"
"Ano ba yan! Akala ko single."
Dinig kong sabi ng mga kababaihan na nasa tabi ko lang. napatingin sa akin ang lalaking katabi ko at mukang naguguluhan pa siya kung ako ba tinatawag ng kaibigan ko.
Nang hindi makatanggap si Theo ng tugon ko ay mabilis niya akong hinila, sakto naman na biglang huminto ang jeep dahil may bumaba kaya naman napakandong tuloy ako kay Theo.
Nakatingin na sa amin ngayon ang mga pasahero maging ang nasa unahan ay nakatingin din sa amin. Napahawak ako sa pisnge ko at halos mapaso ako ng dahil sa sobrang init nun!
Oh Lord! Take me, na po!
Muling umandar ang jeep, kaya naman niyakap ako ni theo sa bewang ko. napakagat na lang ako ng labi dahil sa nangyayare ngayon! Grabe na 'to! Kinikilig ang lola niyo!
"Ang ganda ng girlfriend ko diba pre?" Biglang tanong ni theo sa lalaking katabi ko kanina. nakatanga ito sa amin ni theo, kaya medyo natawa itong kaibigan ko.
"Ang ganda ganda ng girlfriend ko!" Sambit niya at tinali pa ang nakalugay kong buhok. Makapigil hininga ang ginagawa ni theo sa akin! Mag dikit lang ang balat namin, hindi ko na mapigilan ang mapangiti! oh damn! I'm crazy in love with him!

BINABASA MO ANG
Best mistake
Teen FictionNakaw tingin, pasimpleng pag ngiti, palihim na minamahal For Dahlia Eloise Sanchez, those feelings are enough for her to love her friend Theodore Gabriel. The man doesn't need to know how she feels because, first and foremost, she is afraid that th...