CHAPTER 22
"Are you sure ah"
Paninigurado ko sa body guard na kasama ko ngayong araw. Mabilis siyang tumango kaya naman sinenyasan ko siyang umalis na, sakto namang bumukas ang entrance kaya mabilis akong tumingin sa likod ko.
"Eloi!!" Sigaw ni jade at patakbong lumapit sa akin. " Namiss kita sobra."
Nakangiti ko siyang niyakap kaya naman niyakap niya din ang ako ng mahigpit. grabe! namiss ko itong babaeng 'to.
"Mauupo na nga kayo." Saad ni trace na nasa likod lang namin, sumunod naman ako sa sinabi ni trace. Natawa ako nang irapan ni jade ang lalaki bago naupo.
"Grabe! ang ganda ganda mo na talaga!" Saad ni jade at hinawakan ang aking kamay.
"Mas maganda ka pa din naman."
"Eme mo! Ang laki ng pinagbago mo." Nakangiting sabi niya at mukang naluluha pa.
"OA mo naman babe." Pang aasar ni trace sa lalaki, kaagad naman siyang binatukan ni jade dahilan para mag pout ang lalaki.
"Wait, diba dior yan?" Tanong ni jade bigla at nakaturo pa sa bag ko. Napatingin ako sa bag ko at napangiti.
Katas ng pinaghirapan.
"Pati yung damit dior din, grabe alagad kana ba ng Dior" Tanong ni trace. natawa ako at umiling, grabe namiss ko silang dalawa. ilang taon na ba ang nakalipas? 7?8? ewan, hindi ko na alam.
Basta ang alam ko lang huling kita ko sa kanilang dalawa, no'ng nag break sila- ay mali, si jade lang pala nakita ko no'n. Mabuti nga ay nakapag ayos na silang dalawa eh.
Sabi sa'kin ni dos ay niligawan daw ulit ni trace si jade, ilang taon lang ay sinagot ulit ni jade ang lalaki dahil mahal pa din daw niya ito.
"Epal mo, sunduin mo na nga lang yung anak ko." Saad ni jade at tinulak si trace paalis. Naka ngiting tumayo si trace.
"Mauna na ako eloi, susunduin ko pa yung anak ko." Saad niya at tinapik ang balikat ko. hinalikan niya pa si jade dahilan para mapangiwi ako.
Hope all.
Nag kunwari na lang akong busy sa iniinom ko. Nakakaingit naman sila, pinakasalan na kasi ni trace si jade, Nag karoon na din sa ng anak at kung hindi ako nag kakamali ay ako na lang talaga ang walang pamilya...kami pala ni dos.
Nang makaalis na si trace ay saka lang kami nag karoon ni jade ng oras para mag kwentuhan, nag kwento siya tungkol sa kasal nila ni trace at kung ga'no siya nahirapan ng mag buntis siya.
"Buti nagawa mo pa siyang patawarin sa kabila ng pag loloko niya." Saad ko.
"Oo naman,natuto ako mag bigay ng chance para baguhin niya yung sarili niya hindi para sirain ako ulit." Nakangiting sabi niya. "Ikaw ba napatawad mo na si theo?"
Tanong niya dahilan para mapahinto ako. I already move on from him pero hindi ko alam kung napatawad ko na siya.
"Hindi uso sa'kin yung forgive and forget." Sagot ko naman at natawa. Napailing naman siya dahil sa sinabi ko.
"Forgive and forget peace of mind" Sagot naman niya. "Subukan mong patawarin siya pero NEVER BE PART OF YOUR LIFE AGAIN."
"Kailangan mo mag patawad kahit masakit para makawala kana sa sakit na pinag dadaanan mo."
BINABASA MO ANG
Best mistake
Teen FictionNakaw tingin, pasimpleng pag ngiti, palihim na minamahal For Dahlia Eloise Sanchez, those feelings are enough for her to love her friend Theodore Gabriel. The man doesn't need to know how she feels because, first and foremost, she is afraid that th...
