4

780 46 40
                                    

CHAPTER 4

A/N: Ang mga banat na mababanggit sa kwento ay nakuha ko lamang sa tiktok! happy reading my moon!

_________________

Ano raw? Si theo ang magiging leading man ng pinsan ko? Nag bibiro ba itong si Raylee? Tinignan ko siya, Mukhang hindi naman siya nag bibiro. 
 
 


 
Walang na banggit si theo tungkol dito. Siningkitan ko ng mata si Raylee, kaya naman nanlaki ang kaniyang mga mata.




 
 
"What? Why? Hindi ka ba naniniwala sa akin?" Sunod-sunod na tanong niya. "Here."
 



 
Tumayo siya at lumapit sa akin para ipakita ang tweet ng direktor sa Twitter. Totoo nga si Theo ang gaganap na bidang lalaki sa kwento. Napakagat ako ng lalaki at napabuntong hininga na lang. Patuloy pa rin ang isip ko sa pag-iisip kung bakit hindi niya sinasabi sa akin.
 
 


 
Hindi naman siya ganyan dati. Noon nag sasabi siya kung anong gagawin at plano niya sa buhay, pero ngayon, Kahit isang salita wala siyang sinabi tungkol dito.
 




 
Hindi ko ba pwedeng malaman yun? kaibigan niya ako.
 
 

"Actually, kahapon ko lang nalaman na tatlong taon na pala pinipilit ni direk si theo. No'ng isang taon lang pumayag si theo. Pero kahapon lang sinabi sa publiko na kumpleto na ang cast.".
 
 



Ang tagal na pala.
 


 
 
"Hindi niya ba sinabi sayo?" Tanong niya at hinawakan pa ang likod ko.
 


 
Umiling ako sa kaniya at muling tumingin sa plates ko. "Baka nakalimutan niya lang sabihin." Pag papalusot ko at pekeng ngumiti.
 



 
"Ah sige, Maliligo muna ako, ah." Paalam niya sa akin at ngumiti. Tumango ako sa kaniya at pinagpatuloy na ang ginagawa ko.
 
 



 
Ngunit kahit mag focus ata ako sa ginagawa ko hindi pa din maalis sa isip ko ang tungkol kay theo. Bakit ba kasi hindi niya sinabi sa akin? Pa'no na yung pag-aaral niya? Pa'no na yung pangarap niya maging engineer? Magiging bato na lang ba'yun?



 
 
 
Muli akong bumuntong hininga at umiling, Eloise mag focus ka muna sa ginagawa mo! Wika ko sa aking sarili. Wag mo siyang isipin, Wag mo siyang isipin, Wag mo siyang isip
 



 
 
Napatingin ako sa cellphone ko na ngayon ay katabi ko lang. Nag riring 'yun, nang makita kong si theo ang tumatawag kaagad ko 'yun pinatay.
 
 


 
 
 
Kinabukasan maaga akong nagising dahil ginising ako ni mama. Ang sabi niya ay pupunta daw kami sa palengke para mamili ng ulam namin ngayon. Wala na si Raylee dito sa bahay dahil ang sabi niya kay mama ay may kailangan daw siyang puntahan.
 



 
 
 
Nag tatali na ako ng buhok ng biglang nag ring ang phone ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din sinasagot ang mga tawag sa akin ng lalaki. Pinatay ko 'yun at bumaba na para samahan si mama.



 
 
 
Habang nag lalakad kami ni mama ay may mga kabataang babae ang nag kukumpulan sa isang gilid. Mga kinikilig ang mga babae. 
 
 




Best mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon