23

901 18 3
                                    

CHAPTER 23

"Are you hungry?"

Napataas ang kilay ko dahil sa tanong niya, literal na taas, mas mataas pa sa pangarap niya na mag kakabalikan kami.

Hindi ako sumagot sa kanya at diretsong lumapit sa ref para kumuha ng tubig. napatingin siya sa akin pero inirapan ko pa din siya.

"Mag luluto ako ng-"

"Diet ako." Sabi ko at umalis na sa kusina pero hindi pa ako nakakalayo ng mag sasalita na naman siya.

"Sayang mag luluto sana ako ng pork steak." Parinig niya sa akin. hindi ko na sana papansinin ng biglang nakaramdam ako ng pagtatakam.

Kaasar naman. " Damihan mo." Saad ko at mabilis na tumakbo papasok sa kwarto ko. Kaagad akong naligo at pag tapos no'n ay inayos ko yung mga drawing ko, mamaya ay aalis ako para kitain ang client ko, umuwi talaga ako ng pilipinas para dito sa project na ito.

Ilang minuto pa ay tinawag na ako ni theo para kumain kaya naman mabilis kong inayos ang gamit ko, ngunit napahinto ako nang makita ang engagement ring ko.

Nakita na kaya ito ni theo?

Pinagmasdan ko mabuti ang singsing at napa-ngiwi na lang dahil hindi ko talaga gustong ikasal kay dos. Bakit kasi nauso pa yung salitang arrange married eh.

Naalala ko no'ng araw na sabihin nila papa na ikakasal kami ni dos dahil kailangan daw. para akong tangang nakatingin lang no'n sa kisame habang prinoproseso ko sa utak ko ang sinabi ni papa. sa mga oras na din 'yun ay sumagi sa utak ko si Theo.

"Eloise!" Rinig kong tawag ni theo at kumakatok pa. mabilis kong tinanggal yung singsing sa daliri ko at kaagad na tinago yun. nang matapos ay lumabas na ako sa kwarto.

"Kain na." Saad niya at ngumiti. hindi ko siya pinansin at nag tuloy tuloy lang sa pangbaba ng hagdan. naupo kaagad ako at kumuha ng madaming pagkain.

Parang isang taon akong hindi nakakain ng sumubo ako, tuloy tuloy lang ako dahil sa sarap ng ulam. grabe! namiss ko 'to, namiss ko 'tong ulam na ito. Hindi kasi masyadong nag luluto si mama sa new york kaya naman hindi na din ako nakakatikim ng pork steak.

"Masarap?" Tanong niya.

"Yup!" Sabi ko at sumubo na naman.

He smirk. " Anong mas masarap? yung luto o yung nag luto?"

Napahinto ako at kaagad siyang tinignan ng masama. "Umalis ka nga dito!" Inis kong sabi at binato siya ng baso.

***


"Good afternoon ma'am." Nakangiting bati ko sa client ko at nakipag kamay sa kanya. Kaagad naman siyang ngumiti at nakipag kamay din.

Sabay kaming naupo na dalawa, binigay niya sa akin ang folder na hawak niya kaya naman kinuha ko yun. medyo naiilang pa ako sa kanya pero nginitian niya ako kaya naman medyo umayos ang pakiramdam ko.

"Yan na yung contract architect eloise, yung tungkol naman po sa payment nandiyan na din po. " Saad ni chresty sa akin. Yes, chresty ang pangalan niya. muka siyang mag papakasal na dahil sa may suot siyang engagement ring.

"Architect! si engineer gabriel po ba yung magiging kasama niyo?" Tanong niya sa akin dahilan para mapahinto ako. sino naman yun? ang alam ko si engineer jeff yung makakasama ko.

Mabilis akong umiling sa kanya at ngumiti. " Hindi ata, ang alam ko kasi si engineer jeff yung kasama ko."

"Huh? Ang alam ko po pinalitan na kasi nag kasakit po si engineer jeff." Saad niya. napakunot na lang ako ng noo at natawa ng bahagya.

Best mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon