CHAPTER 15
"Marupok ka din eh no?" Wika ni jade habang kumakain ng popcorn.
Andito ako ngayon sa bahay nila at nakikinood ng orphan. na-ikwento ko sa kanya yung pag punta namin ni theo sa dagat kahapon as usual pinamuka na naman niya sa akin na marupok ako.
"Masisi mo ba ako? nawawala lahat ng galit ko sa kanya, isang tingin at isang hawak niya lang." Wika ko sa kaibigan ko at inis na kumain ng popcorn.
"Shala, gumaganyan kana parang dati lang wala kang pake pag dating sa ganyang usapan." Natatawang sabi niya at hinampas pa ang balikat ko. Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil totoo na yung sinabi niya.
Kung pwede ko lang talaga ibalik yung dating ako matagal ko ng ginawa. Yung dating walang pake sa love, yung dating hindi ko pa gusto si theo, aysh bakit kasi walang time machine sa mundong 'to!
Sabay kaming napatingin ni jade ng biglang mag ring yung phone ko. Nakalapag lang yun sa center table kaya kinuha ko na kaagad.
"Hello, raylee?" Bungad ko ng sagutin ko yung tawag niya.
[Where are you? we need to talk.] Nagmadaling sabi niya kaya naman kumunot ang noo ko. Tumayo ako at lumayo ng kaunti kay jade para makausap ko ng maayo yung pinsan ko.
"Huh?bakit?" Tanong ko, narinig ko siyang bumuntong hininga sa kabilang linya bago mag salita.
[Basta, mag kita na lang tayo sa coffee shop. 'yung malapit sa mall.] ayun lang ang sabi niya at binaba na ang linya, nagtataka man ay kinuha ko pa din ang aking gamit at mabilis na nag paalam kay jade, nag madali akong lumabas ng bahay nila at sumakay ng jeep para lang makapunta sa coffee shop.
Hanggang ngayon ay nakausot pa din ako ng uniform ko na pang archi. kakauwi ko lang kasi galing university ng mag punta ako kila jade, hindi na kasi mapakali 'tong bibig ko.
Pag karating ko sa coffee shop ay kaagad ko siyang nakita kaya mabilis akong lumapit sa kanya. nakasuot siya ng cap at black shades, aasarin ko sana siya kaso naalala kong sikat na pala siya.
"Ano yun sis?" Tanong ko at pagod na naupo sa harapan niya, ngumiti muna siya sa akin bago kuhain yung cellphone niya at nag pipindot do'n.
"Here, tignan mo." Mahinang sabi niya, takot ata siya na may makakilala sa kanya at pag piyestahan siya.
Dahan-dahan kong kinuha yung cellphone niya at halos manlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko! picture namin yun theo na tumatakbo kahapon, kitang-kita ko ang muka ko dahil nakatingin ako sa mga tumatakbo. Meron din yung nag gu-guitara siya
"Kalat na yan sa socmed." Wika niya. bumaba ang paningin ko sa comment section at napapikit na lang dahil sa hiya.
Comment#1
Malandi! 'yan itsura pa lang eh
Comment#2
Ang panget naman niyan, sino ba yan?
Comment#3
Alam niyang nakikipag date si Theo kay raylee tapos nilalandi niya. makati ampota.
Kung ano-ano pa masakita na salita ang binato nila laban sa akin. Halos limang minuto na din ata akong nakatulala sa cellphone ni raylee.
"Lumabas din yung mga picture niyo ni theo no'n kaya mabilis yun pinabura ng maneger ni theong."
Madami pa sinabi sa akin si raylee bago siya umalis dahil may interview pa daw siya sa isang show. naiwan ako dito sa coffee shop na mag isa habang balisa.

BINABASA MO ANG
Best mistake
Teen FictionNakaw tingin, pasimpleng pag ngiti, palihim na minamahal For Dahlia Eloise Sanchez, those feelings are enough for her to love her friend Theodore Gabriel. The man doesn't need to know how she feels because, first and foremost, she is afraid that th...