CHAPTER 30
"Pinaghahanap ng pulis si Isabelle."
Mabilis ang pag lunok ko ng sarili kong laway habang pilit na pinapakalma si raylee. kinuha ko yung tubig na nasa tabi ko para ibigay sa kaniya pero hindi niya kinuha, patuloy pa din siya sa pag iyak at hindi alam ang gagawin dahil sa nalaman niya.
"Bakit daw? bakit ba hinahanap ng pulis si tita?" i asked, tinignan ako ni mama at bumuntong hininga.
"Dinemanda siya ng mga pinagkakautangan niya." sagot ni papa at naupo sa tabi ng pinsan ko. natulala na lang ako sa maletang nasa harapan ko, maleta 'to ni raylee dahil pinalayas siya sa sarili nilang pamamahay. ang balita sa akin ni mama ay binenta daw pala ni tita yung bahay at lupa para mag sugal, wala din siyang iniwang pera para kay raylee.
"Asan na ba kasi si mama." Tanong ni raylee. Namamaga na yung mata niya dahil kanina pa siya umiiyak. mula ng dumating siya dito ay iyak na siya ng iyak, walang tigil.
"Sigurado akong nag tatago ang mama mo hija." Saad ni mama. naupo ako sa tabi ng pinsan ko at niyakap siya.
"Magiging maayos din ang lahat." Bulong ko at ngumiti. she need hug, she need me. kailangan niya kami sa panahon na 'to.
---
"Ano ba kasi nangyayare kay Isabelle? bakit nalulong naman siya sa sugal." Stress na tanong ni mama habang nakaupo kami sa dining table. wala na si raylee dito sa baba, natutulog na siya sa kwarto ko.
"Ang alam ko ay dahil 'yun sa dati niyang nobyo na adik sa sugal..." Wika ni tita Kristel na kanina pa dumating. nag tungo daw siya agad dito ng malaman niya ang nangyare kay raylee.
"Adik?" Hindi makapaniwalang tanong ni mama.
"Oo, si mark. no'ng nasa new york kayo ay may pinakilala siya sa akin na nobyo niya daw pero tingin ko ay pera at katawan lang ni isabelle ang habol ng lalaki...." Usal ni tita at hinawakan ang mug na nasa tapat niya. " Hindi ko gusto si mark mula no'ng una pa lang, madami siyang bisyo at madaming tattoo sa katawan, kulang na lang ay pati muka niya ay lagyan niya ng tattoo."
Paniguradong pangit 'tong mark na 'to.
"Oh, sila pa ba ngayon?" Tanong ni mama, mabilis ang pag iling ni tita kristen kaya nakahinga ng maluwag si mama.
Kahit na galit siya sa kapatid niya ay nag aalala pa din siya kay tita. napangiti siya at uminom ng kape.
--
Mabilis na nilipad ng hangin ang buhok ko kaya inipit ko yun sa tenga ko. nakatambay kami ngayon ni theo sa labas ng bahay, parehas kaming nag papahangin na dalawa.
"Thank you pala sa ice cream ah." Pasasalamat ko dahil nag dala siya ng ice cream kanina. alam niya siguro na nalulungkot ako kaya binilhan niya ako ng ice cream.
Ngumiti siya at tumingin kung saan. napatingin tuloy ako sa kaniya. ang gwapo niya pa din pala talaga.
"Gwapo mo 'no?" Natatawang sabi ko
Inayos niya ang kaniyang buhok at kunwaring nag papapapogi. mabilis ko siyang hinampas sa braso nang sabay kaming matawa na dalawa. sandaling katahimikan ang nangyare sa pagitan namin, ngumiti ako nag baba ng tingin.
"Theo, gusto mo ba gumala bukas?" pagbabasag ko sa katahimikan. sobrang tahimik kasi eh, parehas kaming nagkakahiyaan mag salita para tuloy kaming bata.
BINABASA MO ANG
Best mistake
أدب المراهقينNakaw tingin, pasimpleng pag ngiti, palihim na minamahal For Dahlia Eloise Sanchez, those feelings are enough for her to love her friend Theodore Gabriel. The man doesn't need to know how she feels because, first and foremost, she is afraid that th...