CHAPTER 28
"Nag sisisi ka sa ginawa mo?"
Tanong sa akin ni jade, nandito kami ngayon sa isang park. sinamahan kasi namin ang kaniyang anak na mag laro dito, dumayo pa talaga ako dito sa school ng inaanak para lang ichismiss kay jade 'to.
Yumuko ako at pinaglaruan ang aking daliri, ramdam ko ang kaniyang paningin kaya naman tumango na ako.
Totoo naman talaga na nag sisisi ako sa ginawang hindi pakikinig kay theo. Dapat talaga pinakinggan ko siya no'n. nasa tamang tao na pala ako pinakawalan ko pa.
"Buti nag sisi kana." Natatawang sabi niya, kinuha niya yung mineral water at binigay sa cute niyang anak. "Grabe kaya yung pinagdaanan ni theo, kung alam mo lang."
Kunot noo akong tumingin sa kaniya. "Bakit? Mayroon pa ba akong hindi nalalaman?"
Napahinto siya sa kaniyang ginagawa at dahan-dahang tumingin sa akin. para siyang natatae na ewan sa ngitian niya sa akin ngayon
"Mas maganda kung si theo mismo yung tatanungin mo." Inayos niya yung gamit ng kaniyang anak at ngumiti na nang maayos sa akin. "i wasn't in the place to tell."
Tumango ako sa kaniya at pinigilan ang aking sarili na mag tanong. tama naman siya, wala siya sa posisyon para sabihin sa akin kung ano pa ang mga nangyare no'n.
Ilang minuto naging tahimik ang pagitan naming dalawa. kating-kati talaga yung bungaga ko, gustong gusto ko siya tanungin kung ano pa ba ang hindi ko alam.
"Kapag may nalaman ka pa, ano gagawin mo?" Basag niya sa katahimikan
"Wala, May dapat ba akong gawin?"
"Hindi mo babalikan?"
Napayuko na naman ako at napahawak sa aking ulo. bakit ko pa siya babalikan? tama na yung malalaman ko tungkol sa nangyare noon.
"Ikakasal ako jade." Saad ko at kinagat ang ibabang labi ko.
Ikakasal ako, kahit ayaw ko.
"Bakit? gusto mo ba 'yang kasal na yan?" Tanong niya sa akin, tama yung tanong niya, gusto ko nga ba 'to? parehas naming ayaw ni dos 'to.
Yumuko ako ulit at pinaglaruan ang aking daliri. gustong gusto namin ni dos na hindi maituloy 'to dahil parehas naming hindi gusto 'to, pero shit! wala kaming magawa.
"Alam naman natin parehas na hindi niyo gusto yan, dahil iba ang gusto niyo pakasalan." Nakangisi niyang saad at pinanood ang kaniyang anak na mag laro.
"Maka niyo ka naman diyan." Saad ko at kinamot ang ulo ko. "Wala naman akong gustong paka-"
"Ulol mo, wala daw pero secretly hoping ka nga na mag kabalikan kayo ni theo!" Saad niya at inirapan pa ako, napanganga na lang tuloy ako sa pinagsasabe niya.
Kailan ba ako umasang mag kakabalikan kami? hindi nga pumasok sa utak ko na magiging kami ulit eh.
"Eme mo, wala nga akong sinabi!" Sigaw ko sakanya pero natawa lang ang bruha.
"Deny pa sis." Natatawang ani niya at umiling-iling pa. kumunot na lang ang noo ko at hindi na siya muling pinansin pa.
Muling katahimikan na naman ang bumalot sa pagitan namin na dalawa. napatingin ako sa langit at napabuntong hininga.
BINABASA MO ANG
Best mistake
Teen FictionNakaw tingin, pasimpleng pag ngiti, palihim na minamahal For Dahlia Eloise Sanchez, those feelings are enough for her to love her friend Theodore Gabriel. The man doesn't need to know how she feels because, first and foremost, she is afraid that th...
