CHAPTER 11
"Eloise, ano pala ang susuotin mo para sa birthday ng kaibigan mong si jade?" Tanong ni mama.
Oo nga pala, bukas na ang birthday ni jade! ang bilis nga eh, parang no'ng nakaraan lang umiiyak ako dahil sa nalaman ko pero ngayon umiiyak pa din ako.
Tatlong linggo na ata ang nakalapas mula ng marinig ko ang hindi ko dapat marinig. Ewan ko ba, hanggang ngayon kasi masakit pa din..Masisi niyo ba ako? Nag mahal lang naman ako, eh.
Sa loob ng tatlong linggo, ay hindi ko magawang pansinin si Theo. Siguro dahil nasasaktan ako at hindi ko pa siya kayang harapin. Mabuti na lang sa loob ng tatlong linggo ay sinamahan ako ni dos para hindi ako malungkot.
Mabuti na lang at nandiyan siya.
"Oversized na lang ma!" Bored na sabi ko. Sabado ngayon at hindi pumasok si mama sa trabaho dahil madami naman na daw siyang pera. Joke
Hindi muna pumasok si mama dahil kailangan niya mag pahinga. Pa'no ba naman, kasi puro trabaho na lang inaatupag niya! hindi niya na naalalagaan yung sarili niya. 'yan tuloy namayat siya.
"Aw! ma, masakit yun ah!" Reklamo ko dahil pinitik na naman niya ang tenga ko. Masama niya akong tinignan, kaya naman lumayo ako sa kaniya ng kaunti.
"Mag dress ka." Sabi ni mama at naupo sa sofa. Kinuha niya yung shoulder bag niya at kumuha ng pera. Nanlaki ang mata ko sa gulat, kaya naman mabilis akong naupo sa tabi niya habang nakatingin pa din sa pera.
"Ma, saan galing 'yan?" Tanong ko sa kanya. grabe! Ang daming pera ni mama, nagtataka na talaga ako. saan galing, 'yang mga pera niya? Impossible naman na umutang siya dahil hindi niya hilig yun.
"Basta, ito...bumili ka ng madaming damit. "Sabi niya at binigyan ako ng limang libo. Napatingin ako sa pera at inamoy ka pa'yun. "Aalis tayo sa linggo mag ayos ka nun."
Tumango na lang ako sa kaniya at tumayo na para maligo. Mahirap na, baka mamaya bawiin 'to ni mama. Mabilis akong naligo at kumain, nag text din ako kay dos na samahan niya ako sa mall, awa ng diyos pumayag siya.
***
"Ito maganda."
Isa.
"Bagay sayo 'to."
Dalawa
"Ito! mag lalaway sayo si theo kapag nakita ka niyang nakaganyan."
Tatlo.
Inis kong tinignan si dos habang namimili siya ng dress. Kanina pa siya pili ng pili ng damit para sa akin. eh, 'yung mga damit na binili niya hindi ko naman trip.
Puro croptop at dress amputa.
"Sa oversized naman." Wika ko at ngumuso. tinignan niya ako at umakto siyang pinag iisipan pa ang sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Best mistake
Teen FictionNakaw tingin, pasimpleng pag ngiti, palihim na minamahal For Dahlia Eloise Sanchez, those feelings are enough for her to love her friend Theodore Gabriel. The man doesn't need to know how she feels because, first and foremost, she is afraid that th...