WAKAS
ELOISE POV
Walang gana akong naupo sa sofa ng bahay ni raylee. patuloy pa din sa pag tulo ng aking luha, pinunasan ko yun gamit ang likod ng palad ko at napayuko.
Napakagat ako ng ibabang labi at pilit na pinapakalma ang aking sarili. nang hihina na ang tuhod ko at anumang oras ay hindi ko na mapipigilan pa ang humagulgol.
Nag angat ako ng tingin at napaawang ang labi ko ng tumama yun kay raylee at dos na nag aalalang pinapanood ako. mabilis na lumapit sa akin ang pinsan ko at hinawakan ang kamay ko.
"Eloise..." She whispered. "Alam mo na ba?"
Napahagulgol na ako ng mag tanong siya sa akin. hindi ko na mapigilan ang sarili kong umiyak ng malakas. wala na akong pake kung marinig ako ng asawa ko basta ang mahalaga sa akin ay maiyak ko 'to.
Napahilamos ako ng muka at napapikit. Bakit ngayon ko lang nalaman 'to? Bakit walang nag sabi? Bakit hindi nila sinabi?
Nasabunutan ko ang sarili ko at malungkot na tumingin sa kanila. Bakas sa mga mata nila ang lungkot at pag tataka pero mas pinili nilang pakalmahin ako.
"A-Alam niyo? Alam niyong patay na siya?" Nanginginig kong tanong. nag katinginan silang dalawa at tumingin ulit sa akin.
"Oo. Matagal na siyang wala pero sinabihan kami ni tita kristen kase ayaw niya ipasabi sayo."
"Bakit? Bakit ayaw niyang malaman ko? " Hindi ko na napigilan ang pag taas ng boses ko. Bumaba na din si rayver at puno nang pag tataka ang mata nito.
"Bilin yun ni theo, ayaw niya ipasabi sayo kasi ayaw niya malungkot ka. masaya kana sa bago mong buhay at ayaw niya guluhin yun." Pagpapaliwanang ni raylee
Ang bigat sa pakiramdam. Ilang taon na ang nakalipas akala ko wala na sa akin lahat pero nasasaktan pa din ako hanggang ngayon.
Patuloy lang ako sa pag iyak at pag hikbi wala na akong pake kung mag muka akong kaawa-awa sa harapan nila. ang importante lang sa akin ay maiyak ko lahat.
"Hon? Alam mo na?" Tanong ni rayver dahilan para iangat ko ang tingin sa kaniya. Nanginginig ang labi ko maging ang kamay ko at tuhod ko dah sa sakit.
"Rayver? Alam mo din? "Nanginginig kong tanong. Huminga siya ng malalim at lumuhod sa harapan ko para mag kapantay kaming dalawa.
Pa'no niya nalaman?
"Nakipagkita siya sa akin no'n may binigay siya sa akin, ang sabi niya ibigay ko sayo dahil yan daw yung regalo na matagal niya nang gustong ibigay sa'yo. ilang araw lang nakalipas no'n nabalitaan ko na wala na siya, hindi ko na nasabi sayo dahil nanganak ka no'ng time na yun." Dahan-dahan niyang sabi
Napalakas yung pag iyak ko at hindi na ako makahinga sa sobrang sakit. kinuhaan ako ni dos ng tubig pero hindi ko magawang inumin yun.
All this time naniwala ako na hindi niya na ako mahal. naniwala ako na wala na talaga ako sa kaniya.
No'ng araw na 'yun ay maaga akong nakatulog dahil sa pagod at lungkot. sabi nila kapag mahaba yung tulog mo means sobrang lungkot mo daw.
"Hon. Ayos lang kung gusto mo pumunta kung saan nakalibing si theo. naiintindihan ko naman yung nangyare. " Usal niya at hinawakan ang kamay ko.
Ayun agad ang bumungad sa akin ng magising ako kinabukasan. tumango lang ako at hindi na nag salita, parang nawalan ako ng gana. tumayo na ako mula sa pagkakahiga at naligo na.
Naupo ako sa kama ko habang nag susuklay. napatingin ako kay rayver ng maupo siya sa tabi ko at may hawak na hawak na isang maliit na maliit na bag.

BINABASA MO ANG
Best mistake
Teen FictionNakaw tingin, pasimpleng pag ngiti, palihim na minamahal For Dahlia Eloise Sanchez, those feelings are enough for her to love her friend Theodore Gabriel. The man doesn't need to know how she feels because, first and foremost, she is afraid that th...