16

942 22 1
                                        

CHAPTER 16

"Ahhh kami na ni theo!!"


Pakanta kong sabi habang nag lilinis ng bahay. Nakapag saing na din ako at natapos ko na yung mga labahan ni mama. ito na ata ang huling labahan na tatanggapin ni mama dahil pinatigil na siya ni papa.


"Aba ang sipag natin girl ah." Napatalon ako sa gulat ng biglang sumigaw si jade. nakatayo siya sa tabi ng pintuan namin habang naka cross arm na nakatingin sa akin.


"Bakit ba bigla bigla ka nalang sumisigaw diyan?" Sigaw ko din sa kanya at inirapan siya pero kaagad ulit akong nakatingin sa kanya dahil baka narinig niya yung sinabi ko. "Kanina ka pa diyan?"


"Kararating lang hanggang ngayon nag pinagpapantasyan mo pa din si Theo ah." Wika niya at naupo sa sofa. Tumalikod ako sa kanya at ngumiti ng malaki.

Gusto kong sabihin sa kanya na kami na ni theo kaso ang sabi niya sa akin ay wag muna daw namin sabihin kahit kanino. Nag simula ulit akong mag walis habang si jade naman ay nanonood na nang balita.


Nang matapos ako ay naupo kaagad ako dahil narinig ko ang pangalan ni theo at raylee. nasa news sila at ininterview sila ngayon.


"Magkakilala na ba kayo dati? pano kayo nag kakilala" Tanong ng babaeng nag iinterview sa kanila at mukhang kinikilig pa. Natawa naman si raylee habang si theo ay nakangisi lang. Napasimangot tuloy ako dahil mukang nag eenjoy siya sa mga tanong ng babae.

"Actually, nakilala ko si raylee sa isa sa mga pinsan niya." Nakangising sabi niya. " Shout out sayo tam, ingat ka palagi!" Dagdag niya pa at kumindat.


Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Ako naman siguro yung tinutukoy niya diba? my ghod.  Gusto ko na mag lumpasay sa tuwa, kung wala lang  si jade paniguradong kanina pa ako tumitili dito.  Napailing na lang tuloy si jade at natawa.


"Ang daya, ikaw lang sinabihan mag ingat pa'no naman kami." Biro niya pa at natawa, natawa na lang din ako at mabilis na kinuha ang cellphone ko para isearch kung anong ibig sabihin ng tam.


tam- tahanan at mundo.

Tumalikod ako kay jade at doon ay pinakawalan ang malaking ngiti. Kinagat ko pa ang ibabang labi ko mapigilan lang ang pag tawa ng malakas. Grabe na ito! hindi ko kinakaya ito.

***

"Hmm, mas lalong sumarap yung luto ng anak natin." Sabi ni mama kay papa habang kumakain sila. Naupo ako sa harapan nila at ngumiti.

Sino ba naman kasi hindi sasarap yung luto kapag inlove ka diba? Yun nga lang sabihan ka niya na kumain kana kikiligin ka talaga.


Habang kumakain kami ay napangiti na lang ako dahil unti-unti nang natutupad ang mga pangarap ko. Kumpleto na kami nila mama, nakakasama na namin si papa, pangalawa ay natutupad na ni theo ang pangarap niya at ang pangatlo naging akin na yung taong pinapangarap ko lang no'n.


Akala ko impossible na maging kami ni theo dahil magkaibigan lang kami  pero nag kamali ako, dahil heto't ang puso ko ay nag diriwang sa saya dahil kami na nang lalaking pinapangarap ko lang no'n.



"Eloise bakit hindi mo pa natatapos yang pagkain mo? nakangiti ka lang diyan ng nakangiti." Usal ni mama dahilan para matauhan ako. Napatingin ako sa pagkain na kaunti pa lang ang nababawas.


"Inlove yan, mahal." nakangiting sabi ni papa at natawa. hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mapangiti, ano ba 'yan! kinikilig talaga ako ngayong araw! parang tanga.



Best mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon