CHAPTER 18
it's has been a three monts mula ng ma- engaged si mama kay papa. Ang bilis nga lang ng araw eh, Parang no'ng nakaraan lang ay nag sasaya kami ni theo pero ngayon kinakabahan na ako kasi baka kalbuhin ako ng mga fan girl ng lalaki.
Andito ako ngayon sa university na pinapasukan ko. Nag tatago lang naman ako dito sa cr dahil nakilala ako ng isa sa mga fans ni theo. Sinabihan ba naman akong malandi, gusto ko sana ipagmayabang na kami na ni theo kaso naalala ko na sikat nga pala siya.
"Grabe, mag kasama pala si raylee tapos si Theo sa palawan 'no?"
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng biglang may mag salita sa likod ko. Hindi ko sila nilingon bagkus ay nakinig lang ako sa usapan nila.
"Oo,baka sila na hindi lang nila sinasabi."
"Ang bilis naman kung magiging sila. kakapasok pa lang nila sa pagiging artista."
"Hindi ka sure, kilala mo si Isabella Diaz?"
"Oh?"
"Anak niya si raylee boplaks talaga."
Si tita Isabelle ay isang sikat na artista no'n, as in sikat talaga siya dati dahil sa gandang taglay niya at galing sa pag-arte, madaming mga bigating artista ang gusto maging ka-partner siya sa mga palabas pero isang lalaki lang ang sinang-ayunan niya, 'yun ang lalaking first at last love niya. Ang lalaking yun ay tatay ni raylee at ang lalaking naging dahilan kung bakit umalis si tita sa mundo na kinabibilangan niya.
Mabilis akong lumabas ng cr ng maramdaman kong wala na ang mga nag hahabol sa akin. Mabilis akong nag lakad palabas ng university pero halos mapahiyaw ako ng biglang may humatak sa akin at sapilitan akong pinasok sa van.
"Eloise!" Sabi ni tita dahilan para mapatigil ako sa pagpupumiglas. Nakasuot siya ngayon ng kanyang mamahaling damit at suot niya din ang kanyang mga mamahaling kwintas.
"Tita? bakit niyo po ako kinidnap?" Tanong ko sa kanya. Mabilis pa din ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa ni tita.
Grabe! kung dati artista si tita ngayon kidnaper na! umayos siya ng upo at sinasabihan ang driver na mag maneho na. Umayos ako ng upo at inayos ko din ang suot ko dahil nagulo yun dahil sa pag pupumiglas ko kanina.
"May gusto lang sana ako ipakiusap sa'yo." Mahinahon niyang sabi. Napakagat ako ng ibabang labi dahil seryoso si tita.
Bawal ba mag call a friend dito? katakot pa naman kapag seryoso na siya huhuhu.
"Ano po 'yun tita?"
Bumuntong hininga si tita bago mag salita sa akin. Bawat buka niya ng kanyang bibig ay kinakabahan ako dahil baka mamaya ay masigawan niya ako.
"Alam mo naman ang nangyare sa akin no'n diba? Alam mo naman na nag mahal ako ng lalaking kapwa nasa showbiz lang din. Alam mo naman kung pa'no ako nag suffer no'n dahil sa humor na may girlfriend na daw ang Tito mo."
Naalala ko pa 'yun, na-ikwento sa akin ni mama no'ng bata ako na gustong gusto daw ni tita si tito no'n kaya pumayag siyang si tito ang magiging leading man ng pag bibidahan niya noon. Naging sikat ang tambalan nila at tumagal 'yun ng halos sampung taon, akala ng mga tao sa loob ng sampung taon ay naging sila ngunit nag kakamali ang karamihan dahil may girlfriend no'n si tito. Labis na nasaktan si tita dahil minahal niya na si tito, nag maka-awa si tita kay tito na siya na lang ang piliin pero hindi sumang-ayon si tito. Lumipas ang ilang taon at umalis si tito sa industriya, nalaman na din ng mga tao ang totoo at nagagalit ang karamihan kay tito dahil inakala nila na nag loko ang lalaki at pinalabas lang ni tita na hindi naging sila para mapagtakpan ang ginawa ni tito na kahit kailan ay hindi naman talaga niya ginawa.
BINABASA MO ANG
Best mistake
Teen FictionNakaw tingin, pasimpleng pag ngiti, palihim na minamahal For Dahlia Eloise Sanchez, those feelings are enough for her to love her friend Theodore Gabriel. The man doesn't need to know how she feels because, first and foremost, she is afraid that th...