13

822 29 7
                                    

CHAPTER 13


"Pa?" 'yan ang unang salitang lumabas sa bibig ko pagkatapos ko makipagtitigan sa kaniya ng ilang segundo. Hindi ko alam ang gagawin ko, dapat ko ba siyang yakapin dahil ito na ang matagal kong hiling, or dapat ba akong magalit sa kaniya dahil iniwan niya kami ni mama.
 
 
 
 
 
Nakatayo lang ako sa harap niya, habang pinagmamasdan ko ang muka niya. Kahawig ko siya, so siya nga ang tatay ko?
 
 
 
 
 
 
Tumango siya sa akin ng dahan-dahan, Bakas sa mga mata niya ang pananabik at lungkot. Nanginginig ang kamay ko ng sinubukan ko siyang hawakan sa pisnge. Ito na ang matagal ko ng pinapangarap, ang mahawakan at ang makita ko siya.
 
 
 
 
 
 
"Bakit ngayon ka lang pa?" Nanginginig kong tanong, Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag hikbi ngunit hindi ko kaya. 
 
 
 
 
 
 
 
Maging si mama ay napaiyak na din sa eksena namin ng tatay ko. Tinakpan niya ang kaniyang bibig upang mapigilan din ang pag hikbi.
 
 
 
 
 
 
 
"Alam mo pa ba na matagal kitang hinihintay?" Tanong ko sa kaniya habang umiiyak pa rin. "B-bakit ngayon ka lang?" 
 
 
 
 
 
 
 
Nakatayo sa harapan ko yung lalaking nang Iwan sa amin, ang lalaking unang nanakit sa akin, nakatingin siya sa akin habang ang mga maganda niyang mata ay lumuluha na.
 
 
 
 
 
 
 
 
"B-Bakit mo naman kami iniwan pa?" Tanong ko pa sa kanya. Umiling-iling siya at hinawakan ang pisnge ko. 



 
 
"Shhh, Hindi ko kayo iniwan." Nahihirapang sabi niya dahilan para mapahinto ako sa pag-iyak na parang bata. 
 

 
"Nagkaroon lang ng hindi pagka iintindihan no'n kaya hindi tayo nag kasama sama." Sabi niya pa. Tumingin ako sa mga mata niya, muka naman siyang seryoso. Muka din siyang hindi nagbibiro.
 


****
 




"Ibig sabihin gusto mo talaga ma-kasama kami?" Nahihirapang tanong ni mama. Nakaupo na kami ngayon at nakikinig na lang ako ng kwento ni papa kung bakit niya kami iniwan.
 
 



Ang sabi niya sa akin, no'ng balak na raw nila mag pakasal ni mama ay nagkaroon sila ng problema at hindi niya yun sinabi kay mama. Nasa america daw yung magulang ni papa at hindi raw alam ang tungkol sa plano ni papa, ipinagkasundo si papa sa isang anak ng business partner ni lola, kaya umalis si papa ng pilipinas para sabihin kay lola na may anak na siya at mag papakasal na. No'ng una ay nag mamatigas daw si lola, hindi raw pinapalabas si papa no'n, kinuha rin yung phone niya dahilan para hindi siya makatawag kaya mama. Lahat ginawa ni papa para makausap si mama at sabihin ang nangyare ngunit hindi niya magawa dahil bantay-sarado siya ng magulang niya. No'ng nag tangka siyang mag layas ay na-aksidente naman siya, nasagasaan siya at na-comatose ng dawang taon sa dalawang taon na 'yun ay na-realize nila lola na masaya si papa kay mama, kaya naman ng magising si papa at sinabi niya na payag na siya mag pakasal si papa kay mama.
 
 
 
Sa point of view, naman ni mama ay habang pinagbubuntis niya ako no'n. Nagulat na lang daw siya ng umalis ng walang paalam si papa. Matagal niyang inantay si papa ngunit may dumating daw na sulat sa kaniya at sabi'ayaw na kita makasama at madami pang masasakit na salita. Labis na nasaktan si mama at inakala niyang si papa ang nag sulat nun kaya naisipan niyang mag layas at manirahan sa isang Isla. Makalapas ang anim na taon ay lumipat na kami rito sa manila at hanggang ngayon ay nandito pa rin kami, ngayon lang nalaman ni mama na hindi galing kay papa yung sulat, galing 'yun kay lola. sinulat 'yun ni lola ng mga panahong kinukulong niya si papa sa kwarto. 
 


 
 
Tumango si papa at bumuntong hininga. 
"Sinubukan ko kayong hanapin pati na rin ang kapatid kong babae ay hinanap ko rin kaso magaling mag tago itong si diana at ang kapatid ko." Natatawang sabi ni papa dahilan para matawa kami ni mama.
 


Best mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon