31

544 13 3
                                    

CHAPTER 31



"This can cause post- traumatic amnesia, malalaman namin kapag nagising siya"



"No.." I whispered.


Mabilis na tumulo ang luha ko dahil sa sinabi ng doctor. naupo ako at tumingin sa itaas para mapigilan ang tuloy-tuloy na pag iyak pero hindi ko napigilan. naiisip ko pa lang na may amnesia siya...na makakalimutan niya kami nasasaktan na ako eh.


"Magiging maayos din ang lahat hija." Wika ni mama at niyakap ako. madami pang sinabi ang doctor pero hindi ko na yun inintindi. tumayo ako at pumunta sa may window ng kwarto ni theo.


Umiiyak akong pinagmasdan ang muka ng natutulog na si Theo. napakagat ako ng labi para mapigilan ang sarili sa pag hikbi. bakit ba kailangan mangyare 'to? bakit siya pa? bakit si Theo pa? pinunasan ko ang luha ko at pumasok sa kwarto ni theo, naupo ako sa tapat ng kama ni theo. hinawakan ko yung kamay niya habang umiiyak.


"Gumising kana." I cried again. "Diba? diba liligawan mo pa ako? diba nangako ka na papakasalan mo'ko? please gumising kana. miss ko na yung boses mo. Gumising kana, mahal pa kita."



Akala ko no'ng araw na yun ay magigising na siya pero i was wrong. dumaan ang isa, dalawa, tatlo, apat pero wala pa din. isang araw nag luto ako ng sinigang at papunta na sa room ni theo ng mapansin kong andaming tao kaya mabilis akong tumakbo papunta doon.


"Ano nangyare?" Tanong ko agad. tumingin sa akin si mama at ngumiti.


"Gising na si theo." Nakangiting sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kama ni theo. doon ay nakita ko siyang nakaupo na at masayang nakikipag kwentuhan kila ate thea, napalingon lang siya sa gawi ko ng makitang nakatingin ako sa kaniya.



"Theo." Maluluha akong tumakbo palapit sa kaniya at niyakap siya. wala akong narinig na kung ano mula sa kaniya pero hindi ko yun pinansin, naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking likod kaya napangiti ako.


"Eloise..." He said.



Parang nabunutan ako ng tinik ng marinig ko ang pangalan niya. tinawag niya ako sa pangalan ko, naalala niya ako.


Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at hinawakan ang pisnge niya habang umiiyak. nag salubong ang tingin namin na dalawa, nagulat ako ng tanggalin niya ang kamay ko sa kaniyang pisnge at bumuntong hininga.



"Bakit? nagugutom ka ba? may gusto ka ba?" Tanong ko sa kaniya. pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng palad ko at tumingin ng diretso sa kaniya.


"Hindi ako nagugutom..." Saad niya at tinignan kami isa isa. madami kaming nandito sa kwarto at huminto lang ang kaniyang paningin sa bulaklak na nakalagay sa lamesa. galing yun sa akin, binili ko yun kahapon para ibigay sa kaniya pag gising na siya.


Tinignan ko din yung bulaklak at mabilis yun kinuha at binigay sa kaniya. kumunot ang kaniyang noo at tumingin sa akin.



"Binili ko yan para sayo." Nakangiting sabi ko.


Ngumiti siya ng tipid at mukang nalilito pa kung kukunin niya o hindi.


"Ang sweet mo namang kaibigan." Usal niya at kinuha na ang bulaklak sa akin.mabilis na nangunot ang noo ko.


Kaibigan.


Tumingin ako kila mama na ngayon ay nag tataka din. dahan-dahan akong tumingin kay theo at tumulo na naman ang luha ko dahil sa iniisip ko.



Best mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon