1

1.3K 79 29
                                    

CHAPTER 1

ELOISE POV.

What is love for you?

Para sa'kin kase love its like alcohol because you know it will hurt you but you still love and drink it. And also sabi nila love is like a rollercoaster. full of mixed emotions. It can hurt you but it can leave you with a smile.






"SAAN  ka pupunta?" Napahinto ako sa paglalakad nang biglang makasalubong ko si Raylee. Naka dress ulit siya at may hawak din siyang baso.
 
 


 
Ang ganda niya talaga, huhuhu
 

 
 
Wait, dapat ko bang sabihin sa kanya na pupunta kami sa may tondo? 
 
 


"Diyan lang sa may court." Usal ko na lang at ngumiti. "Ikaw bakit ka andito?"
 
 
 
 

 
Umayos siya nang tayo at kasabay nun ay ang pagsilay nang napakaganda niyang ngiti. Shems, ang ganda niya.
 
 
 

 
 
"Ah, sabi ni mommy dito muna ako mag stay.Mahinang sabi niya. Napatango na lang ako dahil sa sinabi niya, tama yan! Para naman, may kasama akong kasama ako sa mga katarantaduhan ko.
 

 
 
 
 
Ngumiti siya sa akin at pinagmasdan ang kabuan ko, napatingin din tuloy ako sa suot kong damit. naka oversized t-shirt lang ako at naka short may suot din akong sumbrelo at rubber shoes.
 
 


 
"Bakit?" nahihiyang tanong ko habang ang paningin ay nasa suot ko pa rin.
 
 
 


 
 
"Ah wala, may gagawin muna ako." Sabi niya at naglakad pa-akyat. bahagya nalang akong natawa at napailing 
 
 
 

 
 
 
Siguro maging siya ay naiinis din sa pananamit ko. Bakit ba maraming ayaw sa pananamit ko? cool kaya, napailing-iling nalang ako at lumabas na nang bahay. Napahinto na naman ako nang makasalubong ko si mama na mukang kagagaling lang sa trabaho.
 
 


 
 
"Ma! Kumusta?" Tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin para halikan ako sa noo; ako naman ay nagmano lang sa kanya. "Aga mo ngayon, ah." 
 
 
 
 
 

 
"Oo, nag paalam ako sa boss ko na baka pwedeng mag half-day muna ako. Masama kasi pakiramdam ko, eh." Mahabang ani niya at hinamas himas pa ang batok niya.
 
 
 
 

 
Nag aalala ko siyang tinignan bago bumuntong hininga. si mama talaga! Kaya siya nagkakasakit dahil masyado niyang pinapagod ang sarili niya! Tuwing lunes hanggang sabado ay nagtratrabaho siya sa pabrika samantalang tuwing linggo naman ay tumatanggap siya nang labahan.
 
 


 
"Oh, bakit nakatanga ka pa diyan? Diba may gala kayo ni theo?" Tanong niya bigla, doon ako natauhan sa sinabi niya.
 
 


 
 
 
Ang usapan namin ni theo at nang mga tropa niya ay gagala kami ngayon dahil bakasyon naman na. Balak sana namin pumunta sa tondo para doon ay kumain, but mukang hindi ako matutuloy dahil kailangan ko asikasuhin si mama.
 
 
 

 
 
"Ah, hindi na ako pupunta ma." Wika ko at kinuha sa kanya ang bag niya. Nag tataka niya akong tinignan.
 
 
 

 
 
 
"Anong hindi pupunta? Gala niyo yun, pumunta kana para makapag enj-" hindi ko na tinapos ang sasabihin niya. Kaagad ko siyang hinila pa pasok ng bahay.
 
 


 
 
"Ma, mas kailangan niyo 'ko." Wika ko. Naupo naman siya sa sofa, kaya naman kinuhaan ko siya nang tubig.
 
 
 


 
"Hahanapin ka niyan ni theo." Wika niya, habang nakahawak sa sintodo niya. Kinuha ko yung pitchel sa may reff at kaagad nag salin ng tubig sa hawak kong baso.
 
 
 


Best mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon