CHAPTER 9
Hindi ko alam kung kailan nag simula itong nararamdaman ko kay theo. Basta ang alam ko lang isang araw iba na ang nararamdaman ko sa kanya yung tipong gusto ko siyang kasama bawat minuto, gusto ko siyang kausap bawat segundo, at higit sa lahat gusto ko siya kasama hanggang sa pag tanda.
Sana nga lang ay pagbigyan ako ni lord sa hiling ko na makasama ang lalaking pinapangarap ko. Sana nga lang ay swerte ako pag dating sa pag-ibig, at sana nga lang ay magustuhan din ako ng lalaking kaibigan lang ang tingin sa akin.
"Masarap diba?" he asked.
Nag aalala siya na baka hindi ko magustuhan ang luto niyang sopas for me. I appreciate people who care about me.
"Oo nga, ulit-ulit." Wika ko at natawa. nilapag niya ang hawak niyang mangkok bago seryosong tumingin sa akin.
"Seryoso kasi! nagustuhan mo ba?" Tanong niya at nilapit pa sa akin ang kanyang muka.
I bit my lower lip to hide a smile. "Yes, it's masarap."
"Ok fine, matulog kana. Matutulog na din ako." Usal niya at lumabas ng kwarto namin.
Napangiti ako nang malaki dahil paniguradong dito ulit siya matutulog. Halos tatlong araw na din siya nandito dahil inaalagaan niya ako. Nagulat na nga lang ako pag kagising ko may dala na siyang bag at ang laman nun ay ang mga damit niya at skincare niya.
Ang sabi niya sa akin dito muna siya hangga't hindi pa daw ako magaling. Wala daw mag aalaga sa akin dahil wala si Raylee nasa mommy niya. Si mama naman ay gabi na nakakauwi at wala din mag aasikaso sa kaniya.
Humiga na ako sa kama ko at nag dasal na muna bago matulog. The next morning, nagising ako dahil kay theo, nakaupo ito sa may tabi ko habang may kausap sa cellphone.
"Ok, see you on Sunday." Usal niya at binaba na ang cellphone. Dahan-dahan akong umupo dahilan para mapatingin siya sa akin.
"Gising kana pala." Wika niya at inalalayan ako na makaupo. Muli niyang nilagay ang palad niya sa aking noo, kaya naman bumili ulit ang tibok ng heart ko.
"Umalis na ba si mama?" Tanong ko nalang, Tinanggal niya ang kamay niya sa noo ko bago inayos ang kumot na nasa paahan ko.
"Hindi siya pumasok, may kakausapin daw siya eh." Wika niya. Tumango na lang ako at hindi na kumibo.
Napatingin ako kay theo ng biglang hubadin niya ang kanyang suot. Bumaba ang tingin ko hanggang sa kanyang katawan. Mukang kinulang siya sa exercise.
"Bakit ka nag hubad?" Tanong ko habang inaayos ko ang kumot. Inayos ko din ako suot kong damit. Ano ba yan! Iba na naman nasa isip ko! Wag naman sana theo... 21 palang ako!
Hindi pa kaya ng pagkatao ko mag karoon ng anak pero kung mapilit ka sige...go lang! char.
"Maliligo na ako, may pupuntahan tayo eh." Wika niya. Hindi pa ako nakakapag salita nag lakad na siya papunta sa cr! Bastos talaga.

BINABASA MO ANG
Best mistake
Genç KurguNakaw tingin, pasimpleng pag ngiti, palihim na minamahal For Dahlia Eloise Sanchez, those feelings are enough for her to love her friend Theodore Gabriel. The man doesn't need to know how she feels because, first and foremost, she is afraid that th...