24

678 24 1
                                    

CHAPTER 24

ELOISE

"Ano sinipon ka 'no?"

Napairap kaagad ako habang humihigop ng sabaw na niluto niya raw. hindi ako sigurado kung niluto niya ba talaga ito or what, mag damag kasi akong nakakulong sa kwarto ko dahil nga sinisipon ako.

Ayoko naman lumabas dahil sesermonan lang ako ng lalaking 'to. hindi ako sumagot sa tanong niya at nag tuloy tuloy na lang sa pagkain.

"Sabi naman sayo wag kana maligo sa ulan." Panenermon niya pa, hindi ko ulit siya pinansin at nag tuloy-tuloy na lang sa pagkain.

Kaasar siya, akala mo si mama kung pagalitan ako. sarap sanang sigawan siya kaso na- aappreciate ko yung pag aalala niya.

Napatingin ako sa kanya ng kunin niya yung bag niya at tumingin sa kanyang wrist watch na mukang mamahalin, kagabi ko pa yun nakikita at kung hindi lang talaga masama mag nakaw kagabi ko pa yun kinuha para isangla.

magkano kaya iyun? pambili din yun ng milktea. nag iwas kaagad ako ng tingin nang tumingin siya sa akin.


"I need to go." Saad niya at mabilis na nag tungo sa pinto pero kaagad din siyang huminto, kunot noo niya akong tinignan.


"Take care of yourself." Yun lang at umalis na siya ng tuluyan, wala man lang ilo- ang sarap naman ng sabaw na ito.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at pagtapos no'n ay naligo na ako. nang maboring ako sa buhay ay naisipan ko nalang mag linis ng bahay pero hindi ko pa man nahahawakan yung walis ay nag text naman si dos. mabilis kong kinuha yung cellphone ko at nireplyan siya.

DOS
call.

Mabilis kong sinagot ang video call at naupo sa kama ko habang yakap yakap ang aking unan. mabilis akong kumaway sa kanya ng makita ko na siya.


"Hi!" Nakangiting bati ko sa kanya.


"Hello, nag kita na pala kayo ni theo." Nakangising sabi niya at tumango tango pa


"Oo" Umayos ako ng upo at niyakap ang unan ko. "He's still waiting."


"Bakit hindi mo bigyan ng second chance halata namang mahal mo pa yung tao." Sabi niya sa akin at ngumisi pa ang loko. napakunot tuloy ako nang noo, pinagsasabe ng lalaking 'to.



Puro galit na lang ang nararamdaman ko sa lalaking yun. sa tuwing nakikita ko siya ay naalala ko pa din ang pinag gagagawa niya.



" Baliw ka ba? anong mahal pinagsasabe mo diyan. hindi ko na siya mahal "


"Talaga ba? kung hindi mo na siya mahal edi sana pinalayas mo na siya diyan sa bahay na tinutuluyan mo."


Napahinto ako bigla at masama siyang tinignan ngunit nawala ang matalim kong tingin sa kanya ng dumapo ang paningin ko sa cellphone na nakapatong sa ibabaw ng study table ko.



"Pinapaalis ko siya, ayaw niya lang talaga umalis." Saad ko at binalik sa kanya ang paningin.


"Sus, kung gusto mo paalisin yan gagawa ka ng paraan pero wala kang ginawa. "


"Bakit ba yan topic natin? ibahin mo naman pre." Biro ko sakanya at kunwaring natatawa pa, ngunit ang totoo ay umiiwas lang talaga sa tanong niya.


Tama naman siya, kung gusto ko paalisin si Theo ay gumawa na ako ng paraan ngunit wala. wala akong ginawa hinayaan ko lang siya dito.


"Ikaw nakita kita no'ng nakaraan ah." Sabi ko sakanya mabilis na kumunot ang noo niya at kunwari pa siyang nag tataka.



Best mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon