CHAPTER 6
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
Tanong ko kay theo habang nag mamaneho siya papunta sa kung saan niya ako dadalhin. Nakatingin lang ako sa labas dahil hanggang ngayon, hindi pa din mabura sa mga labi ko ang ngiti.
Kanina nung sinabi niya sa akin na, 'let's run away. Hinatak niya na lang ako at para kaming tanga dahil tumatakbo pa kami. hindi naman ako makatakbo ng maayos dahil naka dress ako.
"Secret." Wika niya. hindi ko man siya nakikita ko ngayon, pero malinaw sa akin na naka-ngisi ang baliw na 'to.
"Eloise, nakita mo na ba 'yung tatay mo?" Biglang tanong niya. Umiling ako sa kaniya bilang sagot.
Bakit nga ba hindi ko pa nakikita ang tatay ko? Ang sabi ni mama wag ko na daw hanapin ang taong ayaw naman sa amin. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit ayaw sa amin ni papa.
Gusto ko tanungin si mama tungkol do'n, kaso hindi naman niya sasabihin dahil alam kong pilit niyang tinatago 'yun sa akin. Ayaw niyang may malaman ako ang tungkol sa tatay ko. Ayaw niyang malaman ko kung ano itsura at ugali ng tatay ko.
Minsan napapaisip na lang ako kung makikita ko pa ba siya. kung mayayakap at makakwentuhan ko siya, pero mukang hindi mangyayare yun eh. lumipas na ang maraming taon, pero wala pa din akong na babalitaan kay mama na hinahanap niya kami, napaisip tuloy ako. Baka totoo nga. Baka totoo ngang ayaw sa amin ni papa.
Napatingin ako sa tatlong tao na ngayon ay masayang nag lakad habang may hawak na ice cream. isa silang pamilya at kumpleto sila. May nanay, anak at tatay. napa ngiti na lang ako at umiling para hindi ako mainggit sa kanila.
"Sorry, na tanong ko ah." Ani ni theo. tumingin ako sa kanya at tumango. hindi ko naman siya masisisi, wala din siyang alam tungkol sa tatay ko.
Gabi na nang inihinto niya ang sasakyan sa isang daan. Tinignan ko ang paligid ko at napangiti na lang, inihubad ko ang sandals ko at lumabas na nang sasakyan niya. Nag lakad ako sa buhanginan, habang pinapanood ang alon sa dagat.
"Woy! teka lang." Sigaw niya pa. hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko na ang pag lalakad. Lumingon ako kay theo na ngayon ay nag lakad na habang hawak ang isang plastic bag. May inilatag siya at naupo do'n, sumenyas siya sa akin kaya tumabi ako sa kanya.
"Nakakachill naman dito." Wika ko habang pinagmamasdan ang paligid. Marahang humangin, kaya naman medyo hinangin ang buhok namin. Inipit ko ang aking buhok sa aking tenga dahil na kaharang sa ito sa muka ko.
Ngumiti siya sa akin at pinagmasdan din ang paligid. Tumingin ako sa dagat at napapikit na lang. Muli akong dumilat at tumama ang paningin ko sa buwan. napangiti ako.
"Ang ganda ng buwan." Wika ko.
"Ang ganda nga." Sagot naman niya. tumingin ako sa kanya para sabihin sana na kuhaan niya ako ng litrato, kaso nag tama ang paningin namin na dalawa. Saglit pa kaming nag katitigan hanggang sa ako na ang unang umiwas.
Bumalik siya sa sasakyan niya para kuhain ang kanyang gitara. Naupo ulit siya sa tabi ko at nag simula ng mag-strum.
"What day is it and in what month? This clock never seemed so alive. I can't keep up, and I can't back down, I've been losing so much time." Kanta niya, napatitig tuloy ako ng matagal sa kanya.
Masama ito, habang tumatagal ay mas lalo akong na huhulog sa lalaking alam kong hindi magiging akin.
"Cause it's you and me and all of the people with nothing to do and nothing to lose, and it's you and me and all of the people, and I don't know why I can't keep my eyes off of you." Napatingin siya sa akin kaya naman nag katitigan na naman kami. sa pagkakataong ito, walang nag iwas ng tingin, pareho namin nilabanan ang titig ng bawat isa.
BINABASA MO ANG
Best mistake
Teen FictionNakaw tingin, pasimpleng pag ngiti, palihim na minamahal For Dahlia Eloise Sanchez, those feelings are enough for her to love her friend Theodore Gabriel. The man doesn't need to know how she feels because, first and foremost, she is afraid that th...