8

1.3K 28 1
                                    

CHAPTER 8






"Ayos ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Jade. Marahan ko siyang hinampas sa balikat bago kuhain sa kanya ang gitara na hawak niya.
 


 
 
Andito kami ngayon sa luneta park, Dito namin naisipang tumambay. Oh diba sosyal, dumayo pa kami dito sa luneta para lang tumambay. Sakto naman na maaga akong nakauwi galing school.
 
 



 
 
"Ayos nga lang." Wika ko at nabahing na naman. Kainis, sinisipon na nga ako tapos ang sama pa ng pakiramdam ko! Feeling ko lalagnatin ako kapag hindi ko nakita si theo. joke lang!
 
 



 
"Sure ka ah, ang init mo oh!" Angil niya, halatang naiinis na dahil sa katigasan ng ulo ko! Tinawanan ko nalang siya at nag simula ng mag-strum ng gitara.
 
 
 
 

 
 
"Naalala ko pa...no'ng nililigawan pa lamang kita dadalaw tuwing gabi. Masilayan lamang ang 'yong mga ngiti." Kanta ni dos, Ngumisi nalang ako at napailing. Ako dapat kakanta nun, pero mukang natunugan niya kung ano kakantahin ko.
 
 


 
 
"At Ika'y sasabihan bukas ng alas-siyete sa dating tagpuan. Buo ang araw ko, marinig ko lang ang mga himig mo." Singit naman ni theo dahilan para ma-patingin ako sa likod ko. Andon siya sa likod ko habang nakatingin sa akin. Napalunok nalang ako ng sarili kong laway at muling tinuon sa gitara ang atensyon.
 
 



 
Kagulat naman.
 
 
 
 
 

Kagabi nung nakauwi ako galing kila dos ay natulog agad ako. Kinaumagahan ay nagulat na lang ako nandon na si theo sa bahay at inaantay ako para pumasok sa school. Nag sorry siya dahil hindi siya naka punta sa mall kasama ako, pero ang gusto ko marinig ay kung pa'no niya nakasama ang pinsan ko. 
 



 
"Hindi ko man alam kung nasa'n ka, Wala man tayong komunikasyon. Maghihintay sa 'yo buong magdamag dahil ikaw ang buhay ko." Kanta ni dos habang ang paningin ay nasa akin na. 
 



 
 
 
 
"Kung inaakala mo... na'ng pag-ibig ko'y magbabago. Itaga mo sa bato, Dumaan man ang maraming pasko. Kahit na 'di mo na abot ang sahig. Kahit na 'di mo na 'ko marinig. Ikaw pa rin ang buhay ko."
 




 
 
Ramdam ko ang paningin sa akin ni dos at Theo..kakaiba, nakakakaba. Nagbaba ako ng tingin para hindi ako mailang sa mga titig nila.
 
 



Naupo si theo sa tabi ko at inakbayan ako ngunit nag iba ang awra ng muka niya nang mapansin niya atang mainit ako. 
 




 
"Nilalagnat ka ba?" Tanong niya at nilagay niya ang likod ng palad niya sa aking noo. Umiwas ako at tumingin kay jade.
 



 
 
"Anong oras na ba?" Tanong ko sa kanya at muling bumahing na naman. Sasagot na sana siya nang biglang mag salita si dos.
 
 

 
 
 
"It's already 4 p.m, kailangan mo na kumain para makainom kana ng gamot." Wika niya at muling binalik ang atensyon sa paglalaro ng ml.
 



 
Ml! Naalala ko na naman yung larong yan! Letcheng dos 'to. Ang sabi niya ay papataasin niya daw yung rank ko, pero ano nangyare? Ayun, bumalik ako sa master. kaasar siya! 
 
 



 
"Kausap ba kita?" Maarte kong tanong at muling binalik kay jade ang atensyon ko. pampam siya!  Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa akin.
 
 




 
"Hindi, pero gusto kong sumagot eh." Sagot naman niya. Hinubad ko yung suot kong tsinelas at binato yun sa kanya! pampam siya.
 
 
 




Best mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon