10

1K 29 5
                                    

CHAPTER 10


Nandito na kami ngayon ni theo sa bahay namin. Nag papahinga muna siya sa sofa dahil ngayong gabi ay uuwi na siya.
 
 




Nilapag ko sa center table ang mug na hawak ko at naupo sa tabi niya. Tinignan niya muna ako bago bumuntong hininga. Kanina pa siya tahimik sa byahe kinakabahan na ako na baka isipin niya na gusto ko siya dahil sa sinabi ko kanina. 





 
"Anong oras daw uuwi si Raylee?" Tanong niya. 
 




 
"Mamayang 11:00pm daw." Usal ko. napatango na lang siya at ngumiti sa akin. 
 




 
"Ikaw anong oras ka uuwi?" Ako naman ngayon ang nag tanong. Wala akong maisip na topic, kaya naman mag-tatanong na lang ako sa kaniya. 
 




 
"Kapag naka-uwi na 'yung pinsan mo," nakangiting sabi niya. Napakagat na lang ako ng labi dahil sa sinabi niya. 
 
 





 
Siguro, kaya hindi pa siya umuuwi kasi iniisip niya na kapag umuwi siya mawawalan ako ng kasama ngayong gabi. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nakaka uwi si mama, nag text siya sa akin na doon muna siya matutulog sa kaibigan niya. 
 





 
"Kaya ko naman mag isa dito." Pag sisinungaling ko. Hindi ko kaya mag-isa dito, 'no! Baka mamaya may makita akong bata sa likod ko mamatay pa ako sa takot. 
 




 
 
"Sus, alam ko na 'yang iniisip mo. Iisipin mo na may kasama kang bata dito tapos tatakutin mo yung sarili mo." Nakangising sabi ni theo sa akin at nilapit pa ang muka.
 
 




Shet! Bakit ba nilalapit niya yung muka niya sa akin? Hindi niya ba alam na naiilang ako kapag ginagawa niya yan? Shemay siya!
 
 




"Hindi ah, ayos lang kahit may bata pa kahit saan... wag lang sa tiyan." Biro ko at sabay kaming natawa na dalawa. Umayos siya ng upo at nakangiting tumingin sa akin.
 










 
"Yan palagi ka lang ngumiti o tumawa, bagay sayo." Wika niya. 
 




 
"Bakit nakasimangot ba ako palagi?" Nag aalalang tanong ko. Parang hindi naman ako nakasimangot lagi ah. Andaming napapansin ng lalaking 'to! kinakabahan tuloy ako.
 



 
"Oo. madalas nakikita kitang tulala o kaya kapag nag tatama naman ang paningin natin umiiwas kana, Hindi katulad ng dati na nilalabanan mo pati tingin ko." Usal niya.
 




Hindi ko tuloy alam sasabihin o magiging reaksyon ko. Maiilang ako sa kanya pag nagtatama ang paningin namin na dalawa bukod sa naiilang ako ay lumalakas din ang kabog ng dibdib ko.
 





 
"Dati yun, umuwi kana nga!" Natatawang sabi ko at pinagtulakan pa siya. Tumawa lang siya, pero hindi siya tumayo.
 
 




"Mamaya na pag dating ni Raylee." Usal niya. Napatahimik naman ako dahil sa sinabi niya. Sino ba inaalala niya? si Raylee o ako? char!
 
 





"Ikaw ah! Bakit mo inaantay pinsan ko? Siguro crush mo siya ano." Pag bibiro ko. Biro lang wag naman sana niya seryosohin. 
 



Best mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon