CHAPTER 14
"Eloise?"
Natauhan ako nang itapat ni theo ang kamay niya sa tapat ng muka ko para bang ginigising niya ako sa pag katulala.
"Ayos ka lang?" Tanong niya pa. Tumango ako sa kaniya at napatikhim na lang dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nalilito't naguguluhan ako, sinabi niya ba 'yun? O gawa gawa lamang, 'yun ng imahinasyon ko?
"Ano yung sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya, naniniguro lang ako. Baka mamaya namali lang ako ng dinig tapos ako naman 'tong tangang nag react.
Pero meron sa akin na umaasang sana totoo, 'yung narinig ko. Sana hindi ito gawa ng imahinasyon ko.
"Ayoko?" Sagot niya sa tanong ko at mukang hindi pa sigurado.
"Pag tapos niyan?"
"Huh? Wala naman akong sinabi." Sagot niya at nag iwas ng tingin. Napalunok na lang ako ng sariling laway dahil sa sagot niya. So...gawa gawa lamang 'yun ng lintik na imahinasyon ko?
Pasimple kong kinurot ang sarili ko dahil sa inis sarili ko. Eloise naman, gumising ka nga sa katotohanan! Kahit kailan, kahit saan, kahit anong mangyare, kahit sa susunod na buhay pa yan napaka impossible na mahalin ka ng kaibigan!
"Tara!" Biglang aya niya sa akin at hinawakan pa ang pulsuhan ko. Taka ko siyang tinignan pero kahit na mukang nahihiya siya ay nakangiti pa siya.
Aba! Parang kanina lang galit ako sa lalaking ito, ah tapos ngayon mag papahatak ako sa kanya? No way... no way self, hindi kana marupok! Hindi mo na siya mahal...wala na!
***
"Wow, buti naisipan mong dito ako dalhin." Sabi ko at tumakbo papalapit sa dagat. napangiti ako ng mabasa ang paa ko kaya naman tumingin ako kay theo na ngayon ay nakangiting nakatingin sa akin.
Nandito kami ngayon sa beach na pinuntahan namin dati. Dapat hapon na nang makarating kami dito, nakikita ko na din yung sunset. Kung dati ang buwan nakita ko pero ngayon sunset na...sana naman sa susunod sunrise na!
"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya sa akin at tinabihan ako. Sa totoo lang namiss ko talaga itong si theo. Ewan ko ba kung bakit ako nagpabebe sa kaniya no'ng nakaraang gabi. Napatingin ako sa kaniya ng ilang saglit, sisiguraduhin ko na sa sarili ko na dito na matatapos lahat ng nararamdaman ko para sa lalaking ito. Ayoko masaktan pa dahil sa kaniya, kaya mas mabuti kung tatapusin ko na.
"Eloise, yung tinutukoy mo ba na lalaking gusto mo ay si." Napalunok muna siya ng sarili niyang laway bago mag salita ulit. "si dos?"
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya! ano daw? Akala niya si dos ang lalaking gusto ko? Pa'no naman niya nasabi yun?
"Pa'no mo naman nasabi na si dos yun?" Nahihiyang tanong ko sa kaniya at napatingin na lang kung saan.
BINABASA MO ANG
Best mistake
Novela JuvenilNakaw tingin, pasimpleng pag ngiti, palihim na minamahal For Dahlia Eloise Sanchez, those feelings are enough for her to love her friend Theodore Gabriel. The man doesn't need to know how she feels because, first and foremost, she is afraid that th...