17

811 16 0
                                    

Chapter 17


"Wag niyo, ipagsasabi kahit kanino!"



Mahigpit na bilin ko sa mga tropa namin na ngayon ay hindi pa din makapaniwalang kami na ni theo. Wala na kaming choice ni theo kundi ang sabihin sa kanila ang totoo! nakita na nila eh, Ano pa ba magagawa namin, pabilog kaming nakaupo lahat sa tapat ng dagat. Walang kahit isa ay nakapag salita dahil sa kwento namin ni theo, Hindi pa din talaga sila makapaniwala.


"Buti hindi niyo kasama yung dalawang babae." Sabi ni theo habang nakahawak sa kamay ko. Napatingin tuloy ako sa kanilang lahat, buti nga at wala sila dana kundi paniguradong pag sasabi nila yun sa iba.





"Nasa bathroom." Wika ni marky. Habang naninigarilyo, nalaman ko na hindi pala talaga nila jowa yung dalawang babae na kasama nila. Mga bayarang babae lang daw yun at naisipan nilang isama para maganda naman daw ang bonding nila.

"Pa'no yan? sasabihin niyo ba sa magulang niyo?" Tanong ni jade habang naka-akbay sa pinsan kong si raylee. Simula ng magkasama sila kanina ay naging mas close ang dalawang ito

"Hindi pa, sa birthday ko na lang para masaya." Nakangiting sabi ni theo at hinalikan pa ako sa ulo, ngumiti naman ako sa kanya at kinurot siya dahil gigil na gigil ako sa kanya.

"Tangina! Nahiya na ata yung langgam sa ka- sweewtan niyo!" Reklamo ni trace dahilan para matawa kaming lahat


Maya-maya pa ay bumalik na din kami sa hotel room. Nahiga ako sa malambot kong kama at kinuha ang cellphone na nasa ilalim ng unan ko. Kaagad kong chinat si theo dahil online naman siya.

Me

Babe?

Me

asan na ba you? dito na me?

Me

you want ba na pumunta ako diyan?

Me

luh, online siya pero hindi siya nag rereply dapat na ba ako kabahan nito?

Me

hoy!!!

Me

k.

Sa sobrang inis ko sa kanya ay kaagad kong inunsent ang mga message ko sa kanya. Nakakainis! online pero hindi nag rereply bahala siya.  Papatayin ko na sana yung cellphone ko ng bigla siyang nag seen at nag reply.

Bf kong pinaglihi sa kabute

BABE? ano yan?

Bf kong pinaglihi sa kabute

nacurious ako babe, hoy!!!!

Bf kong pinaglihi sa kabute

ganda, nuyan?

Me.

bahala ka dumugo 'yang isip mo kakaisip.

Me

tagal mag reply halatang hindi na ako.

Kaagad kong tinago yung cellphone ko ng biglang tumabi sa akin si raylee, Bagong ligo lang siya at mukang kinikilig na ewan.


Siningkitan ko siya ng mata nang ngumiti siya sa akin at kumagat pa ng ibabang labi bago mag salita. "Pwede mag tanong?"


Tumango ako. " Oo, ano ba yun?"



Best mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon