35

934 17 4
                                        

CHAPTER 35: LAST CHAPTER

THEODORE







"Nasa pilipinas na si eloise, pre."





I did not talk. napatingin lang ako kay chris at pinagpatuloy na ang ginagawa ko. naupo siya sa isang sofa at binuksan ang isang beer.



"Alam mo ba kung pa'no ko nalaman?" Nakangising tanong niya.






"No." Sagot ko at nag simulang buksan ang isang beer. ininom ko 'yun at pinatong ang aking paa sa may lamesa na kaharap lang ng sofa.




"Sinabi sa akin ni jade. ang sabi niya makikipagkita sila ngayon kay eloise. paniguradong uuwi siya dito." Usal niya at mukang nag iisip na. napahinga ako ng malalim at pinagmasdan ang paligid ko. hindi naman siguro siya magagalit kung sasabihin kong dito na ako nakatira diba? tama! tama!







"Ano ginagawa mo dito?" 




Lunok, lunok ulit. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa kaniya parang nataranta lahat ng sistema ko.  sinikap kong wag mag pakita ng emosyon sa kaniya at sa awa ng diyos ay nag tagumpay ako.



"Inaantay ka."





Mabilis akong nag iwas ng tingin at pilit na pinakalma ang sarili ko. shit, ang ganda niya. pilit niya akong pinapaalis dito sa bahay na binili ko sa nanay niya ngunit nag matigas ako, mas pinili kong manatili sa tabi niya kahit ayaw niya.




Sa pag mamatigas ko ay may napansin ako, hindi naman siya ganito? pero bakit ang sungit niya? napahinga nalang ako ng malalim at hindi na pinansin ang pagiging masungit niya.






"In my dreams we're still happy."




Napakagat ako ng labi habang nakatingin sa kisame. Hindi na ako nag antay ng susunod niyang sasabihin dahil paniguradong babarahin niya lang ako. napakagat ako ng ibabang labi at naupo.




"Shit, Bakit ang sungit niya sa'kin?"  Tanong ko sa aking sarili. napatingin ako sa paligid ko at saktong tumama 'yun sa old picture namin.  Tumayo ako at kinuha yung picture frame, hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil ang cute namin sa picture na 'to.




"I promise babalik din sa'kin 'tong kasama ko sa picture."
















"Bakit? ano ba kasi nagawa mo? baka naman may ginawa kang ikakainis niya." Tanong ni marky ng pumunta ako sa kanila para sabihin ang nangyare. 




Napaisip naman ako kung may nagawa ba akong mali. Mula ng makarating ulit siya sa bahay naiinis na siya, napahinga ako ng malalim at naigulo ko ng wala sa oras ang aking buhok.




Bullshit ano ba kase kinaiinisan niya?




"Wala naman akong ginawa." Ani ko. narinig ko ang mahinang pag tawa niya kaya napatingin ako sa kaniya.



"Baka naman naiinis siya dahil nakita ka niya at naalala niya yung ginawa mo dati." Naestatwa ako sa sinabi niya at napalunok sa sariling laway.




Best mistake Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon