''𝗕𝗜𝗡𝗜𝗕𝗜𝗡𝗜, ayos kalang ba?'' Napakurap naman ako ng dalawang beses bago ko ito samaan ng tingin.''Bitawan mo ako!'' Sigaw ko dito. Kaya taranta naman ako nitong binaba.
That was so embarrassing. He was carrying me like a princess. At talagang nakakasuka naman ang posisyon namin kanina.
Naglakad nalang ako palayo sa kanya ngunit mukang may pagkaaso ata ang lalaking ito. Sunod ng sunod.
Tumigil naman ako sa paglalakad at sya ko siya irritang binalingan ng tingin.
''May pagkaaso ka ba? Bakit ka ba sunod ng sunod?'' Masungit kong sambit dito, ngunit imbes na sumagot ito ay tinawanan pa ako.
''Anong nakakatawa?'' Mataray kong lintaya sa kanya sabay taas ng aking kilay.
''Ehem. Ngunit binibini hindi ako sumusunod sayo, nagkataon lamang na parehas lang tayo ng pupuntahan.'' Nakangiting sambit nito kaya umirap naman ako sa kanya sabay talikod.
Nakakasira lang sya ng araw. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad sabay pasok sa malaking bahay ni tanda.
Pagkapasok na pagkapasok ko palang nakita ko na agad si tanda na nasa sala kaya tinawag ko naman ito at sinabing may bisita siya.
''Oh, heneral Legazpi, ano ang iyong sadya? Maupo ka dito.'' Nakangiti lintaya ni Tanda sa kanya.
Saglit naman akong natigilan ng marinig ko ang katagang 'Heneral Legazpi'. Siya ba ang batang heneral na palikero? Sa history of general's?
Natigilan naman ako sa pag-iisip ng mapansin kong nakatingin siya sa akin na siyang ikinataas naman ng kilay ko.
Tusukin ko mata mo eh. Umirap nalang ako sabay punta kay tanda at na upo ako sa tabi niya.
''Iho ano sadya mo dito?'' Tanong muli ni tanda sa kanya ng makaupo na ito sa harapan namin.
''Napadalaw lang po ako Señora Aloisa...'' Sambit nito sabay tingin sa akin. Kaya tinaasan ko muli ito ng kilay.
''Ngunit hindi ko po aakalain na, sa pagdalaw ko po sa inyong asyenda, ay makakatagpo ako ng isang binibini na may taglay na kagandahan.'' Nakangiting sambit nito kaya umirap naman ako ng bongga.
Ipalamon ko sa kanya yung bulaklak sa flower vase eh.
Napatingin naman sa akin si Tanda kaya naman mataray kong tinignan siya.
''Ano? Sabihan mo lang at hindi ako magdadalawang isip na ipalamo---''
''Franceska!'' Pagbabanta ni tanda sa akin kaya sumimangot naman ako.
Really? Franceska? Ang pangit naman ng pangalan na iyon. Makakalimutin na talaga si tanda. Francine Neva ang pangalan ko hindi Franceska. Ambantot namang pakinggan iyon.
Akmang bubulyawan ko rin siya pabalik, ng bigla niya nalang inapakan ang paa ko.
''PUNYET@ KA!''
🇪 🇳 🇩 🇴 🇫 🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷
Please vote and comment to my story
Enjoy reading.
BINABASA MO ANG
𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806
Historical FictionDescription: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at pinunta siya sa kapanahunan ng kastila kong saan ang mga babae ay mahinhin at may respeto sa nakaka...