''𝗡𝗔𝗣𝗔𝗞𝗔𝗚𝗔𝗡𝗗𝗔 mo palang binibini, señiorita Franceska. Tama nga ang sabi-sabi.'' Hindi ko, alam kong ano ang e-sasagot ko sa ginang na ito.
Dahil kanina pa ako, na papaligiran ng mga matatandang babae at halos, lahat sila ay pinupuri ako.
''Iha, may kasintahan kana ba? Kung wala ay maaari mo bang pakasalan, ang aking apo?''
''Ano kaba amiga, na babagay din naman siya sa aking apo.''
Pabaling-baling naman ang tingin ko sa dalawang matandang nagbabangayan na ngayon, kung sino ba ang masnababagay sa akin.
Kaya dahan dahan naman akong umalis sa lugar na iyon, at nakita ko naman sila Sonya at Tanda sa isang upuan ng mga bisita, kaya agad naman akong pumunta sa kinaroroonan nila.
''Bakit ninyo ako iniwan doon, pakiramdam ko ay inipit ako ng mga ginang na iyon.'' Simangot kong sambit, kaya natawa naman silang dalawa.
''Andito kana pala, Franceska.'' Maslalo naman akong, sumimangot ng marinig ko ang boses ng heneral.
Kaya naman agad kong bunuksan, ang aking pamaypay at linagay ko iyon sa aking muka, upang maging takip ito sa ibabang bahagi.
''Oh? Ikaw pala.'' Maangas kong sambit, kaya na tawa naman ito sa naging asal ko. Napatingin naman ako sa babaeng, nakakapit sa kaniyang braso.
''Kuya Dion, siya ba yung sinasabi mo sa akin?'' Mahinhing lintaya nito, kaya gulat naman akong na patingin kay heneral.
Teka kapatid niya? Hindi halata huh.
''Tama ka aking kapatid siya nga.'' Nakangiting sambit nito, kaya umirap naman ako.
''Ikinagagalak kong makilala, ang napupusuang binibini ng aking nakakatandang kapatid.'' Lintaya nito, at bahagyang pang ngumiti sa akin.
Muntikan pa akong umirap at magsungit, dahil sa sinabi ng kapatid ni heneral. Really na pupusuan? Pang ilan kaya ako sa napupusuan niyang binibini?
''Ako nga pala si Victoria Legazpi, ang nakakabatang kapatid ni Kuya Dion.'' Pagpapakilala nito sa akin.
''Ako naman si Franci---Franceska Lucretia.'' Sambit ko, muntikan ko pang masambit ang totoo kong pangalan.
Naalala ko tuloy ang sinabi ni tanda, bago kami pumunta sa salu-salong ito sa bahay ng mga Legazpi.
''𝑊𝑎𝑙𝑎 𝑘𝑎 𝑑𝑎𝑝𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑠𝑎 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑟𝑎𝑎𝑛, 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑘𝑢𝑛𝑑𝑖 𝑏𝑎𝑘𝑎, ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑘𝑎𝑛𝑎 𝑖𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛𝑎𝑘 𝑝𝑎 𝑠𝑎 ℎ𝑖𝑛𝑎ℎ𝑎𝑟𝑎𝑝 𝑎𝑡 ℎ𝑎𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑢ℎ𝑎𝑦 𝑘𝑎𝑛𝑎 𝑑𝑖𝑡𝑜 𝑠𝑎 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑟𝑎𝑎𝑛, 𝑎𝑦𝑎𝑤 𝑚𝑜 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑠𝑖𝑔𝑢𝑟𝑜 𝑖𝑦𝑜𝑛 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑏𝑎?''
''𝐸ℎℎ 𝑝𝑎𝑎𝑛𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑛 𝑘𝑜? 𝑏𝑎𝑘𝑖𝑡 𝑚𝑜 𝑖𝑦𝑜𝑛 𝑖𝑛𝑖𝑏𝑎?''
''𝑃𝑎𝑟𝑎 𝑑𝑖𝑛 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑖𝑦𝑜𝑛 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑙𝑖𝑔𝑡𝑎𝑠𝑎𝑛 𝑚𝑜, 𝑤𝑎𝑙𝑎 𝑑𝑎𝑝𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑎𝑙𝑎𝑚 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑛 𝑚𝑜, 𝑘𝑎ℎ𝑖𝑡 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑘𝑎𝑢𝑛𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑑𝑒𝑡𝑎𝑙𝑦𝑒 𝑚𝑎𝑛 𝑠𝑎𝑦𝑜 𝑛𝑎 𝑛𝑔 𝑔𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑎 𝑠𝑎 ℎ𝑖𝑛𝑎ℎ𝑎𝑟𝑎𝑝 𝑛𝑎𝑖𝑖𝑛𝑡𝑖𝑑𝑖ℎ𝑎𝑛 𝑚𝑜 𝑏𝑎?''
''𝑂𝑜 𝑛𝑎,𝑂𝑜 𝑛𝑎.''
Napabalik naman ako sa realidad ng kausapin ako ni heneral.
''Ayos kalang ba, franceska?'' Nag-aalalang sambit nito, kaya napakurap naman ako ng dalawang beses, bago ako tumikhim.
''Ehem. Oo naman ayos lang ako, Heneral may malalim lang akong iniisip.'' Seryoso kong sambit, kaya napatango naman ito, sabay tingin sa nakakabata niyang kapatid.
''Victoria, samahan mo muna dito si Franceska, at ako'y pupunta muna kaila ina at ama.'' Pagpapaalam ni Heneral kay Victoria, sabay tingin sa akin at ngumiti.
''Ako'y aalis muna, aking binibini.'' Umirap naman ako bilang tugon. S@kalin ko to eh.
At sa hindi naman sinasadya ay napatingin naman ako sa bulwagan ng mansion, ng Legazpi madilim doon ngunit alam kong may tao sa parte ng bulwagang iyon.
Kung kaya't hindi na ako nagdalawang isip pa na hatakin, pabalik si Heneral Legazpi kasabay non ang dalawang alingawngaw ng putok ng baril.
''AHHHHHHHH REBELDE!''
''Señiorita Franceska! Señor Legazpi!''
🇪 🇳 🇩 🇴 🇫 🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷
Please vote and comment to my story
Enjoy reading.
BINABASA MO ANG
𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806
Historical FictionDescription: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at pinunta siya sa kapanahunan ng kastila kong saan ang mga babae ay mahinhin at may respeto sa nakaka...