KABANATA 26

2.5K 104 2
                                    

''𝗔𝗛𝗛𝗛𝗛𝗛𝗛𝗛𝗛𝗛𝗛𝗛𝗛𝗛𝗛𝗛, tang¡na magpatulog kaaaaaaaa!'' Sigaw ko, sabay upo sa aking higaan.

Halos mabanggit ko na ang lahat ng mura sa iba't ibang lengwahe, dahil hanggang ngayong gabi ay binabagabag parin ako sa mga sinabi ni heneral Legazpi.

''Señiorita! Ayos lang ba kayo?'' Napatingin naman ako sa pintuan ng aking kwarto ng makita ko doon, si Sonya at si Tanda na nag-alalang pumasok sa aking kwarto.

Napabugtong hininga naman ako.

''Oo ayos lamang ako, hindi lang ako makatulog.'' Yamot kong sambit, kaya nakahinga naman sila ng maluwag.

''Sonya, kumuha ka ng gatas ng baka doon sa kusina upang makainom si Franceska at makatulog na.'' Utos ni tanda kay Sonya, kaya dali-dali naman itong pumunta sa kusina.

Napatingin muli sa akin si tanda at para bang tinitimbang niya, kong ayos lang ba ang aking lagay.

''May bumabagabag ba sa iyo apo?'' Malumanay nitong sambit, kaya naiiyak naman akong tumingin sa kanya.

''T-tan---Aray ko naman eh.''

''Sabi kong, wag mo akong tawaging tanda.'' Sambit nito, matapos pitikin nito ang aking noo. Umurong naman ang nagbabadyang luha ko kanina.

''Ano bang bumabagabag sa iyo apo ko?'' Malumanay nitong lintaya nito, kaya napayuko naman ako.

Naupo naman ito sa aking kama, at hinaplus ng malumanay ang aking buhok.

''Lola Aloisa, may h@yop kasing umamin sa akin, na may gusto siya.'' Gigil kong sambit, at siya ko ikwenento sa kanya ang lahat.

At sempre hindi ko sinabing si heneral Legazpi iyon.

Napangiti naman ito sa aking kwenento.

''Alam kong bago lang ang lahat ng nararamdaman mo Francine, dahil ito ang unang pagkakataon na may umuusbong pag‐ibig diyan sa iyong puso.'' Malumanay nitong sambit, sabay haplus muli sa aking buhok.

Nanlalaking mata ko naman tinignan si lola Aloisa.

''Lola! Hindi ako nagkakagusto sa p@ngit na iyon!'' Simangot kong sambit, kaya tumawa ito.

''Iha ika'y pagsasabihan ko lamang, tandaan mo nasa nakaraan ka, ngunit hindi mo matuturuan, ang iyong puso na hindi mahulog sa isang ginoo, katulad ni heneral Legazpi.'' Halos masamid naman ako, sa sarili kong laway ng banggitin niya si heneral Legazpi.

Papaano niya na laman! Wala naman akong sinambit na si heneral Legazpi, ang aking kwenikwento sa kanya!

''Francine, ito ang tatandaan mo hindi lang kita pinapunta dito sa nakaraan, upang matuto ka, pero parang ganon na nga iyon. Ngunit andito ka para turuan si Heneral Dion Legazpi at baguhin ang paguugali niya.'' Mahabang lintaya nito, tumayo naman ito matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon.

''Señora andito na po, ang gatas ng baka upang inomin ni Señiorita.'' Sambit ni Sonya na nasa pintuan na, kaya kinuha naman iyon ni Lola sabay binigay sa akin.

''Pagkatapos mong inumin iyan, matulog kana, upang hindi sumakit ang iyong ulo bukas apo.'' Iyon ang huling habilin niya sa akin, bago sila umalis ni Sonya sa aking kwarto.

''What a m0therfvcker bakit ba ayaw mong umalis sa isipan ko, hindi ka ba na papagod diyan huh?''

Nakooo! Heneral gigil mo ako!

🇪 🇳 🇩  🇴 🇫  🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷

Please vote and comment to my story
Enjoy reading.

𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon