𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 paghahampasin na ako ni Sonya ng mabahin ko mismo sa harapan niya, ang binigay sa aking tula ni heneral legazpi.
Kung hindi lang yata ako señiorita niya ay kanina pa niya ako na bugbog, siguro sa hampas dahil sa kilig.
''Napakarumantiko talaga ni Heneral Legazpi, siya'y subrang kaibig-ibig na ginoo.'' Kinikilig nitong sambit, kaya natawa nalang ako.
''Siya'y pangarap ng mga kababaihan dito sa bayan ng Don Felipe, kaya kung ako sayo wag mo na siyang pakawalan pa señiorita.'' Dugtong pa nito, halos ibugaw mo na nga ako kanina kay heneral Legazpi.
Umiling-iling nalang ako sa mga kalukuhan niya sa akin. Sabay tingin ko sa tulang kaninang binabasa ko.
𝑨𝒌𝒐'𝒚 𝒏𝒂𝒈𝒎𝒖𝒎𝒖𝒌𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒊𝒓𝒂
𝑺𝒂 𝒌𝒂𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍𝒂𝒏𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒕𝒂𝒘𝒂 𝒎𝒂𝒈-𝒊𝒔𝒂
𝑲𝒂𝒚𝒂 𝒌𝒐 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒅𝒂𝒉𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒏𝒕𝒚𝒂𝒘 𝒏𝒊𝒍𝒂,
𝑩𝒂𝒔𝒕𝒂 𝒊𝒌𝒂𝒘 𝒑𝒂 𝒓𝒊𝒏 𝒔𝒂 𝒑𝒖𝒔𝒐 𝒌𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒌𝒂𝒃𝒊𝒉𝒂𝒈 𝒔𝒊𝒏𝒕𝒂.
𝑶𝒉, 𝒂𝒌𝒐'𝒚 𝒏𝒂𝒍𝒖𝒍𝒖𝒔𝒂𝒘 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒈 𝒊𝒌𝒂'𝒚 𝒏𝒂𝒌𝒊𝒕𝒂 𝒌𝒐 𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒌𝒂𝒏𝒈𝒊𝒕𝒊,
𝑺𝒂 𝒊𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒕𝒊𝒕𝒊𝒈 𝒂𝒌𝒐'𝒚 𝒏𝒂 𝒏𝒂𝒑𝒂𝒑𝒂-𝒊𝒃𝒊𝒈,
𝑺𝒂 𝒊𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒕𝒖𝒑𝒂𝒅 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒉𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈,
𝑴𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒌𝒐,
𝑰𝒌𝒂'𝒚 𝒊𝒏𝒊𝒊𝒃𝒊𝒈 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒏𝒂𝒚.
𝑵𝒂𝒔𝒂 𝒊𝒚𝒐 𝒏𝒂𝒓𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒖𝒔𝒐 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒚𝒂'𝒕
𝑷𝒂𝒏𝒈𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒂𝒏 𝒎𝒐 𝒊𝒕𝒐 𝒂𝒕 𝒘𝒂𝒈 𝒃𝒂𝒔𝒂𝒈𝒊𝒏 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒌𝒂𝒘𝒂𝒍𝒂𝒏 𝒑𝒂.
-𝑫𝒊𝒐𝒏 𝑳𝒆𝒈𝒂𝒛𝒑𝒊
Hindi ko akalain na gagawan ako ng tula ni Heneral Legazpi, at hindi ko naman maiwasang mapangiti.
Ang heneral na iyon ginagawa niya ngang patunayan, ang kaniyang sarili sa akin.
Ngunit nabawi ang aking ngiti ng maalala kong hindi ako taga-rito sa panahong ito.
''Señiorita, baki't ika'y lumuluha?'' Napatingin naman ako kay Sonya na nag-aalalang pumunta sa aking harapan at pinunasan, ang aking luha.
''Tumahan na po kayo señiorita, ako'y pinag alala niyo.'' Naiiyak din nitong sambit, kaya ngumiti naman ako sa kaniyang harapan.
Kahit pagbalik-baliktaran niyo pa ang mundo at oras, hindi magbabagong, hindi ako nanggaling sa panahong ito.
May naghihintay pa sa akin sa panahon ko.
At talagang na nanabik na akong makita siyang muli.
_
''Binibini, sino ka?'' Gulat naman akong nakatingin sa isang ginoo dito sa bulwagan ng Mansion ng Lucretia.
At ang mas-ikinagulat ko pa ay kamukang-kamuka niya ang taong ikinasasabikan kong makita na sa aking panahon.
''Claud?'' Naiiyak kong sambit, nataranta naman ito ng makita niya ang sunod-sunod na patak ng aking luha.
Nanlalabo narin ang aking mata, dahil sa luhang humaharang dito. Kaya nilapitan naman ako nito upang patahanin.
''Tumahan kana, binibini baka ako'y pagkamalan na ika'y inaway ko.''
🇪 🇳 🇩 🇴 🇫 🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷
Please vote and comment to my story
Enjoy reading.
BINABASA MO ANG
𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 1: 𝗠𝗮𝗳𝗶𝗮 𝗟𝗮𝗱𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁 𝗧𝗵𝗲 𝗛𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗼𝗳 1806
Historical FictionDescription: Nang dahil sa kanyang kawalang respeto at kalupitan sa pagpaslang ng kanyang biktima ay naparusahan siya ng isang mahiwagang nilalang at pinunta siya sa kapanahunan ng kastila kong saan ang mga babae ay mahinhin at may respeto sa nakaka...